“Isog ka?”: Komparatibong pananaliksik sa mga etnikong estereotipo sa mga Cebuano at Waray sa Visayas State University (“Isog ka?”: Comparative study on the ethnic stereotypes of Cebuano and Waray in Visayas State University)

  • Romeo J. Toring Jr.
  • Leslie Anne L. Liwanag
  • Mary Grace P. Enaya
  • Precious Elaine D. Tubigan
  • Hilda A. Pedrera

Abstract

Maituturing na multietniko at multikultural na institusyon ang Visayas State University (VSU) sa Lungsod ng Baybay sa Leyte. Karamihang binubuo ng mga etnolingguwistikong grupong Waray at Cebuano ang populasyon ng institusyon. Sa pamamagitan ng metodolohiyang ginamit nina Mendoza, Deleña, at Demeterio (forthcoming), na modipikasyon ng tala ng mga katangiang mula sa pag-aaral nina Katz at Braly (1933), layunin ng pag-aaral na: (1) itala ang mga estereotipo ng mga etnolingguwistikong grupo, (2) tukuyin ang uniformity indices, (3) alamin ang pagkapositibo at pagkanegatibo ng indices, (4) paghambingin ang mga naitalang estereotipo, (5) paghambingin ang uniformity indices, at (6) paghambingin ang pagkapositibo at pagkanegatibo ng indices. Sa proseso ng pag-unawa ng mga puwersa ng mga etnolingguwistikong grupo, umaasa ang mga mananaliksik na kalaunang makatulong ito sa pagbuo ng mas nagkakaisang populasyon ng VSU, ng mga mamamayan ng Lungsod ng Baybay, at ng mga nakatira sa Probinsiya ng Leyte. Bilang sangay ng pag-aaral nina Mendoza, Deleña, at Demetrio (forthcoming), ang papel na ito ay may potensiyal upang maging pundasyon ng pag-aaral sa iba pang multikultural na institusyon at lokasyon sa bansa.

Published
2021-05-24
Section
Articles