Bakit Kailangang Itayong Muli ang Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños?
Abstract
AB S T R AK
Nais igiit ng papel na ito ang kahalagahan ng isang institusyong pangwika upang tiyakin ang pagpapatupad ng patakarang pangwika na lulundo sa kapasidad ng wikang pambansa at mga wikang katutubo, nang sa gayon ay maisulong ang pagpapaunlad ng rehiyon at bansa. Unang tatalakayin ng papel na ito ang kasaysayan ng Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB), mula sa pagkakabuo nito batay sa mandato ng Patakarang Pangwika ng UP na inaprubahan ng Lupon ng mga Rehente hanggang sa mga debolusyong pinagdaanan nito. Mula sa pagtalakay ng kasaysayan nito sa yunit ng kampus, ilalahad ang tatak ng UPLB bilang isang kampus na ang kalakasan ay nasa disiplinang agrikultura at ang papel nito sa isang agrikultural na bansa tulad ng Pilipinas. Binibigyang-diin dito ang papel ng isang institusyong pangwika sa loob ng UPLB na magsusulong ng wikang pambansa at mga wika sa Pilipinas sa komunikasyon ng inobasyon at makabagong kaalaman sa mas malawak na bilang ng mga Pilipino. Sa huli, tatalakayin ang mahalagang papel ng isang institusyong pangwika upang igiit ang pambansang identidad sa gitna ng globalisasyon at ang kontraneoliberalismong giya ng edukasyon upang gawing abot-kamay ang kaalaman at komunikasyon sa mga Pilipino.
AB S T R AC T
This paper asserts the importance of a language institution to ensure that language policy is implemented towards the national language and native languages’ capacity to push forward the development of the region and of the country. First, the history of Sentro ng Wikang Filipino at the University of the Philippines Los Baños (UPLB) from its birth to its devolutions will be discussed. From the discussion of its history, the paper presents the history of UPLB as a campus that focuses on agriculture and the role of the university in an agricultural country like the Philippines. The paper also emphasizes the role of a language institution in UPLB to maximize the use of the national language and native languages in communicating innovations and new knowledge to a larger number of Filipinos. Lastly, the paper also discusses the key role of a language institution to assert our national identity amid globalization and the counter neoliberalistic track of education by making knowledge and communication accessible to Filipinos.