Komunikasyon at Panlipunang Reproduksiyon ng Kultural na Kapital sa likod ng mga Piling Negosyong Retail at Serbisyo na Pagmamay-ari ng Pamilya sa Lalawigan ng Batangas

  • Analiza D. Resurreccion
  • FPA Demeterio III

Abstract

ABSTRAK
Nilayon ng pag-aaral na mabatid kung paano ginagamit ang komunikasyon sa pagsasalin ng mga kultural na kapital mula sa tagapagtatag tungo sa ikalawang henerasyon ng mga pamilyang nagmamay-ari ng mga piling negosyong retail at serbisyo sa lalawigan ng Batangas. Iniangkop ang kontekstuwalisadong konsepto ng panlipunang reproduksiyon na orihinal na ipinakilala ng sosyolohistang Pranses na si Pierre Bourdieu bilang isang paradigma na siyang nagpapaliwanag ng di-pagkakapantay-pantay ng estado sa lipunan na nakabase sa kung gaano kaepektibong naisasalin ng mga magulang sa kanilang mga anak ang taglay nilang mga kapital. Isinagawa ng mga mananaliksik ang key informant interview bilang estratehiya sa pangangalap ng pangunahing datos, samantalang isinagawa naman ang pansinupang pananaliksik bilang estratehiya sa pangangalap ng sekundaryang datos. Naging sentro ng pag-aaral ang mga piling negosyo sa ilalim ng kategoryang retail at serbisyo at ang mga entreprenyur na nabibilang sa ikalawang henerasyon ang nagsilbing kalahok ng serye ng panayam. Magkatuwang na ginamit ng mga mananaliksik ang teorya ng mga kapital ni Bourdieu at ang modelo ng transaksiyunal na komunikasyon sa pagtuklas ng mga mahahalagang kaalaman at kabatirang tumugon sa inilatag na layunin ng pag-aaral. Mula sa resulta ng ginawang pagsusuri, napatunayan ng mga mananaliksik na aktibo ang partisipasyon ng tagapagtatag sa komunikasyon ng kultural na kapital tungo sa ikalawang henerasyon ng tagapamahala ng mga negosyong retail at serbisyo na pagmamay-ari ng pamilya sa lalawigan ng Batangas. Pinagtibay ito ng litaw na pagiging pangunahing sangkot ng una sa proseso ng pakikipagkomunikasyon sa huli sa bawat yugto ng panahong saklaw ng paghahatid ng mga kaalaman at kabatiran ukol sa nasabing uri ng kapital. Hindi rin matatawaran ang makabuluhang papel na ginagampanan ng mga mahahalagang lider ng kompanya hindi lamang sa komunikasyon ng kultural na kapital kundi maging sa pagpapatingkad ng kasanayan ng ikalawang henerasyon ng tagapamahala.

ABSTRACT
The study aims to determine know how communication is used in bequeathing cultural capital from the founder to the second generation of families that own selected retail and service businesses in the province of Batangas. The contextualized concept of social reproduction originally introduced by the French sociologist Pierre Bourdieu was used as a paradigm that explains state inequality in society based on how effectively parents bequeathe their capitals to their children. The researchers conducted the key informant interview as a strategy for gathering primary data, and conducted archival research as a strategy for gathering secondary data. Selected businesses under the retail and services category became the center of the study and entrepreneurs belonging to the second generation served as the participants of the interview. The researchers collaboratively used Bourdieu’s theory of capitals and the transactional communication model to discover essential knowledge and insights that responded to the purpose of the study. The results of the study affirm the active role of the founder bequeathing the cultural capital to the second generation of managers of family-owned retail and service businesses in the province of Batangas. This was tendered by the apparent primary involvement of the former in the process of communicating with the latter at each stage of the period covered by the beqeauthing of knowledge pertinnet to the said type of capital. Results further affirm the significant role of key company leaders not only in the communication of cultural capital but also in enhancing the skills of the second generation of managers of the family-owned businesses.

Published
2024-02-02
Section
Articles