Panlipunang Pagbabanghay: Piling Usapin sa Pag-unawa sa Sariling Lipunan
Abstract
Ang papel na ito ay bahagi ng isang proyekto na nagbabalangkas ng magkaakibat na usapin ng paksain at kaparaanan ng pag-aaral at pag-unawa sa sariling lipunan. Mula sa pagsasanay sa disiplina ng Kanluraning sosyolohiya, nililinang sa kasalukuyang papel ang mga araling sinimulan ng ilan sa mga pangunahing dalubhasa sa agham panlipunan sa bansa, sa partikular, ang kapwa na sinuri ni Enriquez ng Sikolohiyang Pilipino, ang kapatiran na nilinang ni Covar ng Pilipinolohiya at ang bayan na dinalumat ni Salazar ng Pantayong Pananaw/Bagong Kasaysayan. Sa pagbabalangkas na tinaguriang panlipunang pagbabanghay, inihahain ang paglilinang ng katagang dalumat tungo sa pag-unawa ng mga pagpapakahulugan sa lipunang Pilipino at ang katagang konsepto bilang salin sa Filipino ng mga kategoryang analitikal na inangkat mula sa Kanluraning konteksto. Bilang halimbawa, ginamit ang paniniwala bilang dalumat at ang relihiyon bilang konsepto. Mula sa mga pangkalinangang gawi, nilinang din ang mga paraan ng pagkalap ng datos sa larangan tulad ng pagpapakuwento at ang lapit ng kuwentong-bayan bilang mga dalumat at ang pag-aangkop naman ng gamit ng kuwentong-buhay at etnograpiya sa mga pananaliksik sa sariling lipunan.
Ang pagdadalumat ng mga matitingkad na pagpapakahulugan ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo at mga sektor panlipunan sa bansa alinsunod sa mga kaparaanan ng pananaliksik na may katuturan sa mga ito ang magagamit na panimulang batayan ng mga pag-aaral at saligan ng pagbubuo ng masusing pagpapaliwanag o pagteteorya hinggil sa sariling lipunan. Maituturing ang mga ito na ambag ng agham panlipunang Pilipino sa pangmalawakan at/o unibersal na karunungan at kadalubhasaan.
Mga susing salita: panlipunang pagbabanghay, dalumat, konsepto, kuwentong-buhay, kuwentong-bayan
This paper is part of a project which frames both substantive and methodological concerns in the study of one’s society. Sensitized by years of formal training in Western sociology, such pioneering works in Philippine social science as kapwa examined by Enriquez of Sikolohiyang Pilipino, kapatiran reviewed by Covar of Pilipinolohiya and bayan analyzed by Salazar of Pantayong Pananaw/Bagong Kasaysayan were explored. In framing what is referred to as panlipunang pagbabanghay, the use of the term dalumat is proposed for the analysis of local constructs and the term konsepto for the translation in Filipino of analytical categories adapted from the Western context. As an example, paniniwala (belief systems) was utilized as a dalumat and relihiyon (religion) as a konsepto. Drawn from existing cultural practices, such approaches for gathering field data as pagpapakuwento (requesting for stories) and kuwentong-bayan (people’s oral history) are viewed as dalumat while ethnography and life histories (as kuwentong-buhay) are adapted for the local context.
The pagdadalumat or analysis of local constructs across different ethnolinguistic and sectoral groups in the country using meaningful methodological approaches may serve as preliminary bases for research and for developing theories on one’s society. This may be viewed as a contribution of Philippine social science to plural and/or universal knowledge and understanding.
Keywords: developing an understanding and outline of society, local construct, concept, life history, people’s oral history