Tárak yé king dápu! Hybrid na Pagkakaintindi sa Ayún sa Indung Kapampángan
Abstract
Ang artikulong ito ay tungkol sa seismolohiyang Kapampángan o ang
pagkakaintindi ng mga Kapampángan sa ayún (lindol) at sa kaniyang
epekto sa Indung Kapampángan. Hamon ito sa kasalukuyang
namamayaning talastasan tungkol sa lindol bilang extra-ordinary na
dahilan ng kalamidad at hadlang sa pag-unlad ng buhay ng tao. Ang
ganitong punto de bista ay pamana ng Kanluran na hindi tugma sa tunay
na pananaw sa mundo ng mga taumbayang Kapampángan. Sa
katotohanan, ang kasalukuyang pagkakaintindi sa ayún sa Indung
Kapampángan ay hybrid. Ang ibig sabihin nito ay meron pa ring
katutubong paniniwala na nakaantabay sa iba’t ibang pamanang
banyaga galing sa precolonial na relasyon sa Asya, kolonyalismo at
kasalukuyangglobalisadongtalastasan. Ang artikulong ito ay tumututok
sa kahalagaan ng dápu (buwaya) sa pagkakaintindi ng Kapampángan sa
ayún at ngánib (panganib) at kung paano ang mga ito ay nabago sa
kasaysayan. Pangwakas, ang kasalukuyang hybridity sa pagkakaintindi sa
dápu, ayún at ngánib ay itinuturing na isang uri ng resistance sa
proyektong kolonyal.
Mga susing salita: kalamidad, lindol, buwaya, panganib, hybridity,
Indung Kapampángan