Ang Diliman Gender Review (DGR) ay upisyal na journal ng UP Diliman Gender Office (UPDGO) na inilalathala isang beses bawat taon. Bilang pagsasagawa ng mandato nitong gender mainstreaming, naglalathala ito ng mga pangkasariang pananaliksik, mapanlikhang sulatin, rebyu ng mga tesis, disertasyon, aklat, at produktong pangmidya. Layon nitong magtanghal at magpalaganap ng mga bagong kaalaman at mapalakas ang talastasang pangkasarian na maaaring gamitin sa gawaing pagtuturo, administrasyon at ekstensiyon. Umaambag ito sa layunin ng Unibersidad na maging mayabong ang gawaing pananaliksik at paglalathala sa usapin ng kasarian.