Donjuanismo sa mga Naratibo: Pananalaysay sa Pambababae nina Manuel Quezon at Ferdinand Marcos sa mga Talambuhay
Abstract
Tatalakayin ng artikulong ito ang ilang usaping historiograpikal sa pananalambuhay, lalo na ang pagkasangkapan sa mga talambuhay bilang mga instrumentong politikal sa paglikha ng pampublikong imahe ng mga indibidwal at paglikha ng iba’t ibang propagandang pampulitika. Siniyasat nito ang sadyang pagbura at sanitisasyon sa mga kontrobersyal na detalye ng pambababae at mga ekstramarital na pakikipagrelasyon nina Manuel Quezon at Ferdinand Marcos sa kanilang mga opisyal na talambuhay (awtobiograpiya, komisyunadong talambuhay, at iba pang nagpupuring talambuhay). Sinuri rin, sa kabilang dako, ang nakadisenyong paglalarawan sa mga dating Pangulo bilang “walang dungis, tapat at mapagmahal” na mga asawa. Nalikha mula sa mga pagretokeng ito ang mga naratibong nagbigay kina Quezon at Marcos ng malinis at mala-ideyal na imahe na nakaayon sa mga pamantayang moral ng mga Pilipino. Taktikal na inilathala sa panahon ng mga halalan, ang mga nabuong imahe at nalikhang naratibo mula rito ay pilit hinulma upang umangkop sa panlasa ng mga botante.
This article discusses historiographical issues in biographywriting, particularly the use (and abuse) of biographies as tools for image-making and manufacture of political propaganda. It examines the deliberate erasure and/or sanitization of controversial details of philandering and extramarital affairs of Manuel Quezon and Ferdinand Marcos in official biographies (autobiographies, commissioned works, and other laudatory biographies), on one hand; and their portrayal, on the other, as ‘faultless, devoted and faithful husbands.’ Constructed from these biographical distortions are panegyric narratives that mantled Quezon and Marcos with clean, ideal images that suit Filipino moral standards. These encomia – exempted of taboo-like controversies – were made palatable to voters and strategically published in time for political contests.
Mga susing-salita: Pambababae, pananalambuhay, rebisyunismong biograpikal, Manuel Quezon, Ferdinand Marcos