Ang Pansit ni Anita Linda: Some Representations of “Ulirang Ina” in Philippine Cinema
Abstract
ABSTRAK
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pelikula ay isa sa mga pangunahing porma ng aliw para sa marami. May kapangyarihan ang mga pelikula na antigin tayo, ilagay ang ating mga sarili sa lugar ng mga bida, at makibahagi sa kanilang mga pagdurusa’t tagumpay. Gayunpaman, maliban pa sa pagbibigay-aliw, ang mainstream cinema ay natatanging medium—dulot ng napakalawak na saklaw nito— para sa pagpapalaganap ng mga pagpapahalaga (values), pagsulsol sa mga lihim na pagnanasa, at pagpapatuloy sa mga pananaw at ideyang nagpapanatili sa status quo. Makikita ito sa paggamit ng mga stereotype o trope na nagsisilbing kumpirmasyon sa kasalukuyang kaayusang panlipunan. Isa sa mga pinakakaraniwang trope sa pelikulang Pilipino ay ang “ulirang ina.” Hindi ito nakapagtataka sa isang lipunan kung saan ang maagang sosyalisasyon ng mga bata at pagsasalin ng mga pagpapahalaga ay tinitingnan bilang pangunahin sa mga tungkuling maternal. Ayon nga sa isang lumang awit hinggil sa pangkasariang hati ng tungkulin sa tahanan: “Tatay ang haligi ng ating tahanan/ Nanay ang liwanag pagka’t siyang ilaw.” Gayunpaman, ang pampelikulang representasyon ng ina bilang puso/tanglaw ng tahanan ay nagkaroon ng malawak na pagbabago mula sa dati na pawang isteryotipikal at sekundaryong tauhan lamang. Samantalang sa Wanted Perfect Mother (1970), ang ina ay halos walang pinagkaiba sa madaling-palitang alalay ng ama na may monopolyo sa kapangyarihan, ang ina naman sa Anak (2000) ay mag-isang bumubuno sa lahat ng responsibilidad ng pagiging magulang, kakatwa sa pamamagitan ng pagalaga sa mga anak ng iba bilang overseas foreign worker (OFW). Kapansin-pansin din ang ebolusyon ni Anita Linda mula sa pasibong mater dolorosa sa Bitayin si… Baby Ama! (1976) hanggang sa kanyang pagganap sa Lola (2000), dimatinag na sumasalubong sa kawalang-katarungan para sa kanyang apo. Sa kasalukuyang tendensya ng pelikula tungo sa realidad, naglilitawan ang mas marami at mas masalimuot pang kwento. Tinatalikuran ang mga stereotype, may mga pelikulang nagpapakita sa “ulirang ina” bilang bida na hinuhubog ng lipunang pumawi na sa mga tradisyonal na gampanin. Kinuhang halimbawa ang ilang pelikulang pumapaksa sa mga ina at/o pagiging ina, layunin ng papel na ito na ipakita ang pagbabago ng representasyon sa mga nakaraang dekada.
That film is a major source of popular entertainment is understood. Movies have the ability to move us, enable us to identify with the protagonists, and vicariously take part in their triumphs and tribulations. Beyond entertainment, however, mainstream cinema is also the ideal medium — given its wide reach — to propagate values, play to our hidden desires, and perpetuate ideas that preserve the status quo. This preservation is most obviously demonstrated by the use of stereotypes or tropes which serve to confirm the existing social order. A recurring trope in Philippine cinema is the “ulirang ina” or exemplary mother. This is unsurprising in a society where early socialization and the transmission of values are viewed as primarily maternal tasks. As an old song on gender roles within the family goes: “Nanay ang liwanag pagka’t siyang ilaw.” The cinematic construction of the mother as the heart/hearth of the home, however, has undergone vast changes from its stereotypical and ancillary beginnings. Whereas in Wanted: Perfect Mother (1970), the mother is not much more than a replaceable sidekick to the father who holds the monopoly on agency, in Anak (2000), the mother bears the whole burden of parenthood, ironically, by caring for other people’s children as an overseas foreign worker. Most dramatically, Anita Linda’s passive mater dolorosa in Bitayin si… Baby Ama! (1976) is a far cry from the eponymous Lola (2009) who soldiers on stolidly facing the slings and arrows of absurd injustice. With the independent and realistic trend in filmmaking, a wider variety of stories are now being told and with more complexity. Casting off stereotypes, recent films have portrayed the “ulirang ina” as protagonists transformed by social stressors that have undermined traditional roles. Taking as examples certain films which deal with mothers and or motherhood, this paper aims to show how the representation of the maternal has evolved through the decades.
Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng, “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihiganti ito. —“Top 20 Signs of a Pinoy Flick”
Keywords: Philippine cinema, motherhood, feminism, tropes, pelikulang Filipino, peminismo, “ulirang ina”