KWALTA, ANG SAGRADONG PUTA, PAGWAWALDAS: Politikang Sekswal at Tunggalian ng Mga Uring Panlipunan sa BUSABOS NG PALAD, nobela ni Faustino Aguilar
Abstract
Sinikap ilapat ang unawa sa politikang sekswal nina Marx at Engels, at teorya ng relihiyon ni George Bataille, dito sa kritika ng Busabos na pumupuna sa tema ng romantikong ilusyon. Realistikong inilarawan sa nobela ang kapalaran nina Rita at Celso. Iyon ay alegorya ng kapangyarihan ng salapi, kapitalismo, at petisismo-ng-komoditi, na dumuduhagi sa lahat. Pabor pa rin sa dalagang birhen ang pamilihansa-asawa. Ang gahasa’t pagkaputa ni Rita ang nag-udyok sa sakripisyo ni Celso. Iyon ay nakatutok sa pagwasak sa pagdumog sa pinagbibiling-katawan, upahang trabaho, na kinondena nina Marx, Engels, at Bataille. Nagsilbing lugar ng ideyalisasyon ang kinasangkapang katawan ni Rita, isang lunan ng tabu o maruming bagay. Ang pakikipagtalik niya kay Celso ay isang pagpupurga, na namagitan sa makamundong larang ng hinamak-na-gawain at espasyo ng kabanalan (inutil, waldas, mataimtin na danas, sa isip ni Bataille). Gumana ang pagkasagip kay Rita bilang ritwal ng paglikha ng isang komunidad ng damdamin ng pakikiramay. Isinakripisyo ni Celso ang makalupang tagumpay, ang mana sa ama, at pribilehiyo ng kalalakihan upang dalisayin ang narumhang kasintahan. Naisaliw ang erotikong pagmamahal sa karidad at kawanggawa. Nilabanan ni Celso ang kapangyarihan ng patriyarkiya. Tinanggihan niya ang moralidad ng simbahan at burgesya na umuugit sa ‘di-pantay na paghahati ng trabaho sa lipunan, na siyang sumusupil sa kababaihan. Ang pagsasamang erotiko/magiliw ay nagpapahiwatig ng pagbalewala sa lipunang ‘di-makatao na pinaghaharian ng makasariling pagsamsam ng ari-arian (hikayat ng “reality-principle” ni Freud). Ang pakikibahaginan nina Rita at Celso ay nagpalaya ng pwersang bumukadkad sa isang utopikong harayang kawangis ng beatipikasyong mistikal (na matatagpuan sa mga huling kabanata ng nobela). Subalit sa daigdig ng alyenadong hanapbuhay, ang pagnanais nila ng isang wagas na suyuan ay maisasakatuparan lamang sa kanilang pangungulila at sa kamatayan. Kaya nga ang anarkistang proyekto ng pag-ibig (na nagkakawing sa Eros at Agape) ay nabigo sa pagsira sa pananaig ng patriyarkal na poder. Nabigo rin ito sa paglusaw sa guwang na naghihiwalay sa sagrado (inutil, labis) at ‘dibanal (ari-arian ng burgesya), isang sintomas ng baligtad, nagkakasalungatan, at masalimuot na lagay ng politikang sekswal sa kolonisadong lipunan.
Applying Marx and Engels’ insights into sexual politics, supplemented with George Bataille’s theory of religion, this critical reading of Busabos explores the theme of romantic illusion. Rita’s fate, realistically portrayed, allegorizes the power of money, capitalist business, and commodity-fetishism to corrupt everyone. The marriage market still favors the fetish of virginity. Rita’s rape/prostitution operates as the trigger for Celso’s sacrifice aimed at destroying the fetishism of commodified bodies/hired labor denounced by Marx, Engels, and Bataille. Rita’s instrumentalized body functions as the locus of idealization, the zone of the polluted/tabooed object. Her intimacy with Celso enacts a purgation, mediating between the profane (alienated work) and the sacred (waste, uselessness—divine immanence, to Bataille). His rescue performs the ritual creation of a community of affections as he sacrifices worldly success, his inheritance, and male privilege in order to cleanse the polluted beloved. Erotic love is sublimated into agape/charity. Defying patriarchal totemic power, Celso rejects church/bourgeois morality that sanctions the unequal division of social labor entailing the subordination of women. Rita and Celso’s erotic/charitable sharing implies negation of the dehumanized society dominated by acquisitive egocentrism (Freud’s realityprinciple). It releases life-energies for utopian idealization akin to mystical beatification (rendered in the novel’s last chapters). But in the world of alienated labor, their desire for pure intimacy can only be fulfilled in isolation and death. Thus the anarchistic project of love (ambitiously reconciling eros and agape), while negating the degraded world of utilitarian individualism, fails to destroy male supremacy. It fails to dissolve the gap between the sacred (useless, excessive) and profane (bourgeois property), symptomatic of the contradictory, ironic, and fraught nature of sexual politics in colonial society.
Mga Susing Salita: prostitusyon, patriyarkal, petisismo, sakripisyo, kolonyalismo, Eros