Ang Kasaysayan ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), 1970- 2016

  • Pauline Mari Hernando

Abstract

Nabuo ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o MAKIBAKA, isang rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa Pilipinas, sa panahon ng tinaguriang Sigwa ng Unang Kwarto noong Dekada 70. Binabaybay sa saliksik na ito ang mga makabuluhang tala sa pag-iral ng organisasyon sa kontekstong politikal, historikal, at ekonomiko ng lipunang Pilipino sa loob ng halos limang dekada. Kasabay na tinatalakay ang mga salik sa pag-ugit ng militansya at militarismo at iba pang integral na pangyayari sa panahon ng Unang Sigwa kung saan partikular na namayani ang mga kilusang panlipunan sa Pilipinas mula sa iba’t ibang sektor. Narito ang mga tala at paglilinaw sa naging simulain ng MAKIBAKA mula sa paglulunsad at piket sa Bb. Pilipinas, pagtatatag ng mga himpilan sa Maynila, pagharap sa mga hamong internal, pagsuong sa mga panimulang gawain at usaping pang-estruktura, pagtugon sa krisis sa kasapian, pagkatuto sa mga himpilan, at paghawan ng daan tungo sa lehitimasyon ng linyang pampolitika bilang makapangyarihang kilusang pagpapalaya sa kababaihan sa bansa. Sentral na bahagi ng papel na ito ang transpormasyon ng MAKIBAKA mula sa pagiging hayag tungo sa pagiging lihim na kilusan. Itinatampok ito ng mga programa at pagbabagong dulot sa kanilang Una hanggang Ikaapat na Pambansang Kongreso. Pinatatanaw rito ang naging sistema sa pagsulong ng MAKIBAKA mula nang mapabilang ito sa mga rebolusyonaryong kilusang lihim sa ilalim ng batas militar. Binibigyang-linaw ng mga pangyayari sa loob ng panahon ng diktadurang Marcos ang naging hakbangin ng MAKIBAKA tungo sa kanilang paglahok sa Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas. Kasabay ng mga pagtalakay sa pagunlad ng ideolohiya, politika, at organisasyon ng MAKIBAKA ay ang pagtatampok sa mga naging hamon at tagumpay sa pagtataguyod ng mga rehiyonal na balangay sa kanayunan at kalunsuran. Bilang panghuli, pinatatanaw sa artikulo ang naging katayuan at pagsulong ng organisasyon bago ang Batas Militar ni Marcos hanggang sa bungad ng rehimeng Duterte. 

 

Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Patriotic Movement of New Women) or MAKIBAKA is a women’s revolutionary movement in the Philippines that was formed during the First Quarter Storm of 1970. This paper chronicles the relevant episodes of the organization’s existence within the political, historical, and economic context of Philippine society spanning for almost five decades. It examines and discusses the factors that form militance and militarism along with other crucial events that occurred in the First Quarter Storm, during which particular social movements in the Philippines flourished from different sectors. These include the launch cum protest of MAKIBAKA in the Binibining Pilipinas, the establishment of its headquarters in Manila, the challenges faced within the organization, the progress and development of organizational structure and activities, the response and resolution on  membership crises, the ongoing educational initiatives and discussions, and the accomplishments on paving the way towards the legitimization of a political line as a powerful women’s liberation movement in the country. The focal point of this paper is MAKIBAKA’s transformation from an open to an underground mass organization, as exemplified by its programs and the amendments that had been deliberated upon in its past Four National Congresses. This explains MAKIBAKA’s system of advancement as an underground revolutionary movement ever since the promulgation of martial rule. Events which occurred during Marcos dictatorship elucidates MAKIBAKA’s determination towards joining the National-Democratic Front of the Philippines. The paper not only presents a discussion on the ideological, political, and organizational development of MAKIBAKA but also accords emphasis upon the trials and triumphs of establishing chapters in urban areas as well as in the countryside. Finally, it analyzes the organization’s state of affairs and progression from the pre-Marcos Martial Law up to the early period of Duterte’s regime. 


Mga susing salita: MAKIBAKA, rebolusyonarya, PambansaDemokratikong Kilusan, kababaihan, Batas Militar

Published
2020-02-12
Section
Unang Bahagi