Makuha ka sa Tingin: Ang Deseksuwalisasyon ng Bidang Babae sa Pagsasalin ng mga Nobelang Romansa
Abstract
Kilalá ang tatak na Precious Hearts Romances (PHR) ng Precious Pages Corporation sa paglalathala ng mga akdang popular, partikular ang nobelang romansa. Sa kasalukuyan, ang Precious Pages ang nangunguna sa popularisasyon ng pagsasalin sa panitikang Filipino kung bilang ng mga nalathalang salin ang pagbabatayan. Sa kabila nito, nananatiling salat ang mga pag-aaral kaugnay sa pagsasalin ng popular na nobelang romansa, lalo na sa representasyon ng mga babae sa salin ng mga akdang ito. Bagaman may mga pag-aaral nang tumatalakay sa usaping pangkababaihan sa mga nobelang romansa, wala pang sumisiyasat sa representasyon ng mga babae sa salin ng mga akdang ito. Sinuri ang salin ng 29 na nobela ng Harlequin, ang nangungunang tagapaglatahala ng mga nobelang romansa sa buong mundo. Piniling siyasatin ang unang kabanata (kabilang ang prologo, kung mayroon, at unang bahagi ng ikalawang kabanata para sa ilan) ng salin ng mga nobelang may markang “Gold Edition.” Tinutukan sa papel ang nangyayaring deseksuwalisasyon ng bidang babae sa inisyal na punto ng tunggalian ng kapangyarihan. Sa bahaging ito ng nobela karaniwang makikita ang una at matensiyong pagtatagpo ng mga bidang babae at lalaki, at partikular na matingkad dito ang mga paglalarawan ng seksuwal na reaksiyon at damdamin ng babae, kabilang ang mga tumatakbo sa kaniyang isip kapag tinitingnan/ tinititigan ang lalaki. Ipinakikita ng mga resulta na talamak ang omisyon at niyutralisasyon sa pagsasalin, kaya nagiging deseksuwalisado ang bidang babae. Dalawa ang epekto nito: (1) pagbura sa danas ng bidang babae bilang aktibo, nag[1]iisip, at seksuwal na tao; at (2) pagkalusaw ng marahas na tendensiya ng mga bidang lalaki na karaniwang nagpapakilig sa mga bidang babae at mga babaeng mambabasa. Tinalakay rin sa papel ang politika ng titig o kung paano nagiging instrumento ang pagsasalin sa pagtataguyod ng o paghamon sa mga puwersa ng patriyarka. Ipinapalagay na ang mga proseso, pamamaraan, at produkto ng pagsasalin, kabilang ang ideolohikong posisyon ng Precious Pages sa mga ito, ay hinuhulma ng komersiyal na layunin ng kompanya.
Precious Pages Corporation’s imprint Precious Hearts Romances (PHR) is known for publishing popular titles, notably romance novels. Currently, Precious Pages is the leader in popularizing translation in Philippine literature in terms of the number of published translations. Despite this, the translation of romance novels, especially how women are portrayed in these works, is rarely studied. Several studies have tackled women’s issues in Filipino romance novels, but there has been no research that explores the representation of women in the translation of these works. This paper analyzes 29 titles published by Harlequin, the world’s leading publisher of romance novels. All of the first chapters (including prologue, if any, and the first part of the second chapter for some titles) of the translated novels with a “Gold Edition” label were examined. This paper focuses on the desexualization of the heroine during the initial phase of the power struggle between the female and male protagonists. This part of the novel usually shows the tense first meeting of the heroine and the hero. Notable here is the description of the heroine’s sexual reaction and feelings, including her thoughts when looking or staring at the hero. Results show that omission and neutralization in translation are common, which may explain the desexualization of the heroine. This has two effects: (1) blurring the experience of women as active, thinking, and sexual persons and, on the other hand, (2) undermining the hero’s violence and toxicity, which the heroine and the female readers commonly find attractive. This paper also discusses gaze and how translation becomes a tool for promoting or challenging patriarchal forces. This article suggests that Precious Pages’ commercial objectives mold the processes, methods, and products of translation, including the company’s ideological position on these.
Mga Susing Salita: Precious Pages, Precious Hearts Romances, Harlequin, nobelang romansa, pagsasaling popular, deseksuwalisasyon