Filipino Bilang Wikang Panturo sa U.P. Integrated School: Isang Pag-aaral

  • Vilma M. Resuma
  • Anthony Joseph C. Ocampo

Abstract

Upang masuri ang bisa ng paggamit ng Filipino bilang wi­kang panturo (Wpn) sa UP Inte­grated School sa loob ng 10 taon, isinagawa ang mga sumusunod: (1) pinagkumpara sa Differential Aptitude Test ang kakayahan sa Ingles ng dalawang batch ng estudyante sa UPIS na magkaiba ang Wpn; (2) pinaghambing ang performance ng UPIS at non­UPIS examinees sa 2000 Grade 7 Admission Test; (3) sinuri ang performance ng UPIS sa UP College Admission Test mu/a 1983 hanggang 2000; (4) pinag­kumpara ang general weighted averages at mean grades sa iba 't ibang sahjek sa grado 6 ng dala­wang batch na magkaiba ang Wpn; at (5) tinukoy sa magkaka­hiwalay na pormularyo ang persepsyon ng mga estudyante, guro, magulang at alumni tungkol sa paggamit ng Filipino bilang Wpn.
Sa unang tatlong pamaraan, nakita sa datos na hindi nagpa­huli, kundi man higit na mahusay, ang performance ng mga estud­yanteng gumamit ng Filipino bilang Wpn kaysa aral sa Ingles. Sa pagkukumpara ng GWAs at mean scores, nakala­mang hanggang grado 4 ang gru­pong aral sa Filipino sa pagdebe­lop ng mga akademikong kaala­man at kasanayan. Mula grado 5, natukoy na bilingual literate na ang dalawang grupo, o halos balanse na ang kanilang kakaya­han at kasanayan sa una at pangalawang wika, at kapwa na nila nagagamit ang mga ito sa matalino at epektibong pagsasa­gawa ng mga prosesong edukas­yonal. Ngunit batay sa datos mula sa mga pormu!aryo, kahit nakala­mang ang Filipino sa lahat ng grado dahil sa "masiglang interaksyon sa loob ng klase, " naghayag pa rin ng pangamba ang mga respondent tungkol sa kahandaan ng mga estudyanteng aral sa Filipino sa paggamit nila ng Ingles sa kolehiyo at iba pang layunin. Nadama nila ang kabuti­han ng paggamit ng Filipino bilang Wpn sa lahat ng Zebel, subalit walang korelasyon ang positibong persepsyong ito sa pagpili nila ng Ingles bilang Wpn simula sa mababang grado.

Published
2024-08-12
Section
Articles