Isang Preliminaryong Pag-aaral ng Tagalog sa Rizal

  • Consuelo J. Paz

Abstract

Isang layunin ng pag-aaral na ito’y suriin kung meron ngang dayalek na pansarili, o higit sa isang dayalek, ang kinikilalang probinsya ng Rizal. Bukod sa layuning ito, sisikaping makagawa ng dayalek-atlas ng Rizal. Ang dayalek-atlas ay mga mapang nagpapakita ng hangganan o sakop ng mga ilang napiling katangian ng isang dayalek katulad ng mga tunog, bokabularyo at mga pormang gramatikal. Sa pagsusuring ito, sisikapin ring pag-aralan ang mga pagkakaiba ng mga uri ng wika ng mga bayan ng lugar na ito, ang mga pag-iibang leksikal o lexical differences na ilalarawan sa dayalek-atlas na ipiprisinta rito.

Published
2025-02-25
Section
Articles