Ang Development ng Midyal na Konsonant-klaster sa mga Wikang Filipino

  • Viveca V. Hernández

Abstract

May ilang mga komparatib linggwist na nagsipag-aral ng tungkol sa mga konsonant-klaster (KK) gaya nina O. Dempwolff (1934, 1937, 1938), H.A. Kern (1942), O. Dahl (1951), G. Grace (1959), H. Constenoble (1960), A. Capell (1962), C.D. Chretien (1962, 1965), H. Kahler (1962), G.B. Milner (1963, 1965) at C. Lopez (1972). Sa karaniwan, tinatalakay ang mga KK, lalung-lalo na ang mga nasal na klaster sa pag-aaral nila kaugnay sa Proto-Awstronesyan o di kaya’y Proto-Indonesyan. Sa mga linggwist na nagsipag-aral ng Proto-Pilipinas, mabibilang sina M. Charles (1974) at C.J. Paz (1981) na tumalakay, bagamat bahagya, ng tungkol sa mga KK ng mga wika sa Pilipinas.


Layunin ng pag-aaral na ito na imbistigahan ang development ng mga wika ng Pilipinas ng mga midyal na konsonant-klaster (-KK-) na glotal istap (/ʔ/) ang unang proto-konsonant (*-K1-) at ang pangalawa (*-K2-) nama’y alinmang konsonant. Ang ginamit na datos sa pag-aaral na ito ay mula sa diksyunaryo ng mga morpim na Proto-Pilipinas na apendiks sa disertasyong doktoral ni C.J. Paz na nailimbag noong 1981.


 

Published
2025-02-25
Section
Articles