Komparatibong Pag-aaral ng Pluralayser ng Nawn-preys sa Tagalog, Sebuano, Bikol, at Ilukano

  • Viveca V. Hernández

Abstract

Sa papel na ito, nilalayong pag-aralan ang prosesong morpolojikal na pluralisasyon na nagaganap sa nawn-preys (NP) sa apat na wika, i.e., Tagalog (Tag), Sebuano (Seb), Bikol (Bkl), at Ilukano (Ilk).


Kabilang sa sab-pamilya ng mga wikang Pilipino ng pamilyang linggwistiko na Awstronesyan, karaniwang tinuturing na mga wikang sentral ang Tag, Seb, at Bkl habang wikang hilaga naman ang Ilk. Bilang mga wikang magkakaugnay, hindi maitatanggi ang malaki nilang pagkakahawig. Pero ipinapalagay din na mayroon silang mga pagkakaiba dahil sa magkakaiba silang mga wika.


Tatangkain ipakita sa pag-aaral na ito hindi lamang ang kanilang mga pagkakatulad, kundi na rin ang kanilang mga pagkakaiba sa pagsasagawa ng prosesong pluralisasyon sa loob ng NP. Sa pamamagitan nitong komparatibong pag-aaral, inaasahang makapagbibigay ito ng dagdag na pagkaunawa sa ugnayan nitong apat na wika sa isa’t isa at gayon din ng katibayan ng kanilang klasipikasyon base sa mga morpolojikal at/o sintaktik na pekularidad sa proseso ng pluralisasyon.

Published
2025-02-25
Section
Articles