Ang Diksyunaryo at Gramar ni Pedro Serrano Laktaw

Isang Pagsusuring Panlinggwistika

  • Viveca V. Hernandez

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri ng mga pangunahing linggwistik na akda ni Pedro Serrano Laktaw. Kilala si Serrano Laktaw bilang isa sa mga naunang Pilipinong naglimbag ng sistematik at komprehensib na disksyunaryo at gramar ng wikang Tagalog. Tinutukoy dito ang tatlong akdang pinamagatang: Diccionario hispano-tagálog, primera parte (1889), Diccionario tagálog-hispano, segunda parte (1914), at Estudios gramaticales sobre la lengua tagálog (1929). Ang una at pangalawang akda ay muling nilimbag sa paksimili noong 1965 ng Ediciones Cultura Hispánica. Ang naturang edisyong paksimili at ang orihinal na edisyon ng gramar ang ginamit sa pagsusuring ito.


Maliban sa ilang manaka-nakang pagbanggit sa pangalan ni Serrano Laktaw sa kaniyang mga akda sa konteksto ng kasaysayan ng pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas, wala pang nagagawang pagsusuri tungkol sa awtor at sa mga akda niya hanggang sa kasalukuyan.

Published
2025-04-02
How to Cite
HERNANDEZ, Viveca V.. Ang Diksyunaryo at Gramar ni Pedro Serrano Laktaw. The Archive, [S.l.], v. 9, p. 1-91, apr. 2025. ISSN 2672-295X. Available at: <https://journals.upd.edu.ph/index.php/archive/article/view/10524>. Date accessed: 05 aug. 2025.