Firipin-go o Firipino-go?
Ang Pangalan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas sa Wikang Hapones
Abstract
Filipino
Sa wikang Hapones, mayroong dalawang pangalan para tukuyin ang wikang Filipino: Firipin-go at Firipino-go. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga pamagat ng mga akdang naka-Hapones at mga opisyal na pahayagan ng mga pamahalaan sa Hapon, tatalakayin ng artikulong ito ang mga sumusunod: (1) anu-anong baryasyon ng pangalan ng Wikang Pambansa ang ginagamit sa wikang Hapones?; (2) ano ang mga problema kung mayroong higit sa dalawang baryasyon sa pangalan ng Wikang Pambansa?; at (3) paano pag-iisahin ang pangalan ng Wikang Pambansa sa wikang Hapones? Una, naipakita ng artikulong ito na magkahalong ginagamit ang higit sa dalawang pangalan ng Wikang Pambansa sa wikang Hapones. Pangalawa, problemado ang pagkakaroon ng higit sa dalawang pangalan para sa iisang wika dahil (a) maaaring maging mahirap hanapin ang mga materyales o impormasyon lalo na sa panahon ng Internet, at (b) maaaring makahadlang ito sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng Wikang Pambansa. Samakatuwid, iminungkahi ng artikulo ang mga sumusunod. Una, dapat pag-isahin ang pangalan ng Wikang Pambansa sa Firipin-go alinsunod sa kombensyon ng wikang Hapones. Pangalawa, dapat magkaroon ng kamalayan ang mga Hapones sa kanilang paggamit ng terminolohiya kapag binanggit nila ang Wikang Pambansa dahil natatangi sa wikang Hapones ang isyung ito. Sa kasakuluyang lipunan ng Hapon, kung saan umaangat ang presensiya ng wikang Filipino, hindi mainam ang pagbaba ng kadalian sa paghahanap nito. Pangatlo, dapat palakasin ang pagpapakilala kung ano ang wastong pangalan ng Wikang Pambansa hindi lamang sa loob ng Pilipinas kundi sa ibang mga bansa. Bilang kongklusyon, isinasaad ng artikulo na kinakailangang maipabatid ang saloobin ng mga may kapakinabangan sa Pilipinas at Hapon, patungkol sa sitwasyon ng mga wikang pambansa sa ibang bansa upang mapag-isa ang pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Mahalaga ito dahil ang interes at pag-aaral mula sa dayuhang perspektiba ay makakaambag din sa pagpapatibay, pagpapayabong, at pagpapalago ng Wikang Pambansa.
English
In Japanese, there are two names to refer to the Filipino language: Firipin-go and Firipino-go. This article, by analyzing the titles of books written in Japanese and official documents of governments in Japan, discusses the following: (1) what names of the National Language are used in Japanese?; (2) what could be the problems if there are more than two names of the National Language?; and (3) how could the names of the National Language be unified in Japanese? First, the article has shown that more than two names of the National Language are used interchangeably in Japanese. Second, having more than two language names is problematic because (a) it can be difficult to find materials or information, especially in the age of the Internet, and (b) it can hinder the development and expansion of the National Language. Therefore, the following are proposed. Firstly, the name of the National Language should be unified with Firipin-go in accordance with the convention in Japanese. Secondly, the Japanese should be conscious of their use of terminology when they mention the National Language because this issue is unique to Japanese. In modern Japanese society, where the presence of the Filipino language is increasing, the decrease in its searchability is not favorable. Thirdly, it is required to strengthen the dissemination of the appropriate name of the National Language not only in the Philippines but in other countries. In conclusion, the article claims that it is necessary to communicate the attitude of the stakeholders in the Philippines and Japan regarding the situation of national languages in other countries in order to unify the reference of the National Language of the Philippines. This is important because interest and learning from a foreign perspective will also contribute to the strengthening, enrichment, and growth of the National Language.