Ang Kasalukuyang Pagkakilanlan ng mga Iraya Mangyan*

  • Aleli Bawagan

Abstract

Noong maagang bahagi ng dekada 1980, ako ay naging kasapi ng samahang OTRADEV (Organization for Training, Research and Development Foundation, Inc.) na nakipamuhay at nagtrabaho sa mga Iraya Mangyan sa Puerto Galera. Sa mahabang panahon, nagsagawa kami ng mga programang pagpapaunlad ng pamayanan tulad ng programang pangkalusugan, pang-agrikultura, at pang-edukasyon. Umalis ako noong maagang yugto ng dekada 1990 at matagal ding panahon na hindi ako nakabalik sa pamayanan ng mga Iraya. Ngunit nitong 2004, muli akong bumalik kasama ang ilang kaibigan para maghanda sa pagsagawa ng isang video-dokumentaryo sa buhay Iraya. Sa panahong ito, batay sa ilang mga panayam, nabalitaan ko na mayroong ilang kabataang Mangyan na itinatanggi ang pagiging isang Mangyan. Nababahala ang mga nakakatanda sa mga ganitong pangyayari. Ganoon din ako. Paano nangyari iyon? Paano binubuo ng mga Iraya Mangyan, lalo na ng mga kabataan, ang kanilang pagkakilanlan o identidad sa iba’t ibang henerasyon upang umabot sa ganitong sitwasyon?
Published
2010-04-07
Section
Articles