Abstract
Bukod sa mga teksto ng sikoanalisis at pilosopiya, lagi’t laging nakikipagdiyalogo si Jacques Lacan sa panitikan. Sa kaniyang Ecrits, halimbawa, matatagpuan ang kaniyang meditasyon hinggil kay Edgar Allan Poe at sa Marquis de Sade (Lacan 2006, 6-48, 645-648). Sa kaniyang ikatlong seminar, mayroon siyang pagpapaliwanag sa dulang Athaliah ni Jean Racine (1993, 262-266). Sa kaniyang ikapitong seminar naman, Antigone ni Sophocles ang kaniyang tinalakay (1992, 243-287).