Pang-ukol sa Filipino
Abstract
Nagsimula ang pag-aaral na ito ng mga pang-ukol sa Filipino sa pagkolekta ng mga halimbawa ng tinatawag na pang-ukol sa mga librong tungkol sa Filipino (at kinumpara sa mga libro tungkol sa Tagalog), sinundan ng pagkuha ng mga katumbas sa Filipino ng mga pang-ukol sa Ingles, at saka sinundan pa ng muling pagsusuri ng lahat ng mga pormang nakuha ayon sa kani-kanilang tungkulin at kahulugan. Nilimitahan ang konsepto ng pang-ukol sa morpema na nangunguna sa pariralang pangngalan (pangngalan at panghalip) para makabuo ng pariralang nagsisilbing complement (sa malawakang kahulugan nito) o modifier. Nangangailan ito ng pagsasaad ng kaibahan ng mga pariralang nafo-focus (at nagsisilbing simuno) at mga pariralang hindi nafo-focus, ayon sa pandiwang ginagamit. Lumalabas na nagsisilbing modifier, kadalasan ay pang-abay, ang mga pariralang hindi nafo-focus,
May mga pang-ukol na isang salita, tulad ng sa, ng, at bilang, pero ang karamihan ay tambalang parirala, tulad ng ayon sa, bunsod ng, at sa harap ng. Idinidetalye dito ang mga elementong bumubuo ng tambalang parirala at ang kanilang estruktura, kasama ang kanilang tungkulin sa pangungusap at kahulugan. Dalawampu’t-dalawang kategorya ng kahulugan ang itinatag, kasama na ang dalawang uri ng pagdadahilan, dalawang uri ng paghahambing, dalawang uri ng pagtutukoy, at apat na uri ng panahon. Ang pagsusuring ito ay magagamit sa pagpapaliwanag ng mga kahulugan ng pariralang pang-ukol, lalo na sa pagtuturo ng Filipino, at pagsasalin tungo o mula sa Filipino.
This study of prepositions in Filipino began by collecting all the examples of so-called prepositions in books on Filipino (cross-checked with books on Tagalog), then looking at Filipino equivalents of English prepositions, and then reexamining all the forms elicited in terms of their respective functions and meanings. The concept of preposition is restricted to a morpheme that precedes a noun phrase (nouns and pronouns) to form a phrase that functions as a complement (in its generic sense) or modifier. This requires a distinction between the phrases that are focusable (and thus function as grammatical subject) and those that are not, depending on the verb used. The nonfocusable forms appear to function as modifiers, mostly adverbial.
There are prepositions that are single-word, such as sa, ng, and bilang, but the majority are phrasal prepositions, such as ayon sa, bunsod ng, and sa harap ng. The elements that form the phrasal prepositions and their structure are detailed, along with their syntactic function and meaning. Twenty-two meaning categories are set up, including two types of expression of cause, two types of comparison, two types of reference, and four types of time. This analysis will be useful in explaining the nuances of prepositional phrases, especially in teaching Filipino, ang translating to and from Filipino.
Keywords: pang-ukol, tambalang pang-ukol, focus, complement, modifier