SANGLAAN: Tunay bang Tulay ng Masang Pilipino?

  • Ma. Lina Nepomuceno-Van Heugten
  • Susana Corazon C. Ortega

Abstract

Kumuhang inspirasyon ang kasalukuyang panimulang pag-aaral sa tampok na pelikulang Sanglaan ng Cinemalaya’09. Upang mapunan ang salat na empirical at masusing pagsusuri sa phenomenon ng pagsasangla, minarapat ng may-akda na simulan ang paglilinaw ng konseptong sanglaan sa paggamit ng samu’t saring metodong pananaliksik: 1) paghalaw sa paglalarawan ng sanglaan sa pelikula at sining, kabilang na ang mga patalastas at anunsyong mga sanglaan;  2) pagtatanungtanong sa mga kalahok na naranasan nang magsangla; at 3) pakikipagkwentuhan sa mga may-ari o namamahala o taga-tasang mga sanglaan. Ayon sa datos, bagama’t tunay ngang sagot sa mga di inaasahan o pang-araw-araw na pangangailangan ng masang Pilipino ang sanglaan, maaring bigyang pansin ang malawakang pananaw ukol sa pamamahal ang salapi at aktibong mapaghandaan ang kinabukasan sa pamamagitan ng ibang paraan ng paghawak at pangangalaga ng pananalapi at ari-arian tulad ng pag-iimpok, pag-aalkansya, paluwagan, ang bagong Piso-Piso bank at ang mga tradisyonal na bangko.

Mga susing salita: sanglaan, papel de ahensiya, pagremata, taga-tasa, pamamahalang pananalapi

 

Inspired by the movie Sanglaan, an empirical study was conducted to understand the dynamics behind the use of pawnshops in Philippine society. Using a multi-method approach, the study 1) reviewed existing materials depicting the role of pawnshops in movies, the arts and commercial advertisements; 2) interviewed respondents who had experienced pawning some of their properties; and 3) interviewed two pawnshop owners/appraisers to find their perspective on their business. The data indicated that the respondents turned to pawning their property in times of need or emergency, to augment their day-to-day expenses. The study recommends further studies to look at the bigger picture of how Filipinos handle their finance, how they save for the future and how they utilize alternative forms of saving like the use of piggy banks, paluwagan, the Piso-Piso bank and the traditional banks.

Keywords: pawnshops, pawning, appraisers, financial management, papel de ahensiya, pagremata