Lawas, Buut, Patugsiling, 'Ag Dungan: Isang Pag-unawa sa Papel ng Kinagisnang Sikolohiya sa Kasaysayang Kolonyal at Himagsikang Pilipino sa Panay, 1896-1898
Abstract
Pangunahing gampanin ng isang mag-aaral ng kasaysayan ang magbibigay linaw sa mga pangkasaysayang penomena sa pamamagitan ng pagtuklas sa nakapangyayaring salik sa kasaysayan (causal factor in history) at hindi ang paglalahad na nakatuon lamang sa detalye ng mga pangyayari (event-centric type history). Sa papel na ito ay ipasundayag ang isang uri ng historiograpiya na nakasalig sa pangkalinangang lapit na isasagawa sa pamamagitan ng pagtatampok ng kinagisnang kamalayang panlipunan ng mga Pilipino sa pangkalahatan, at ng mga Panayanhon sa partikular.
Mga susing salita: kalinangan, kamalayan, kasaysayan, nakapangyayaring salik, kaganapang pangkasaysayan
The primary role of a student of history is to shed light on the historical phenomena by searching the causal factor in history and to delineate from expounding on a detailed account of the event. This paper will confer a type of historiography that is based on the cultural approaches to be construed by presenting the inherent social consciousness of the Filipinos in general, and of the Panayanhon in particular.
Keywords: culture, way of life, awareness, consciousness, psychology, history, causal factor, historical events