(Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman
Abstract
Ginugugol ng mga seaman ang kalakhan ng kanilang panahon sa karagatan ng daigdig. Ito ang sinasabing dahilan kung bakit nalilingid sa mga mamamayang nasa lupa ang kalagayan nila sa trabaho. Dahil malayo sa kalupaan, nahahantad sila sa paglabag ng kapitan at mga kapitalista sa mga karapatan sa paggawa. Sa pamamagitan ng kanilang salaysay, sisipatin ang anyo ng pakikipagkaisa sa kapwa mandaragat sa gitna ng mga hamon sa industriya ng pagbabarko. Sa pag-aaral na ito, ilalahad ang paraan ng pakikibaka ng mga Pilipinong seaman upang pangingibabawan ang mga pagsubok sa dagat, barko, at dayuhang lupain.
Mga susing salita: seaman, pakikibaka, naratibo, barko, espasyong-dagat
Working at sea limits access to land-based institutions. Because of remoteness, societies are said to be oblivious to navigating seafarers. This condition can easily result to the vulnerability of the crew to various labor rights violations especially from the captain and maritime capitalists. But gathered accounts reveal that seafarers are able to use the same ocean-space for resistance. This paper presents the narratives of struggle in the ship, at sea, and on land.
Keywords: seafarer, resistance, narratives, ship, ocean-space