Kumbatihan ng Lunan: Talabtaban ng Pag-iral sa Calvario ng Mauban
Abstract
Iba’t iba ang gamit ng pook - pang-ekonomiya, lipunan, pulitika o ideolohiya, na maaari rin namang kumbinasyon ng dalawa o lahat na. Ang mga gamit ng pook, dapat namang mabatid, ay hindi nangyayari sa kawalan. Bahagi sila ng mahabang prosesong historikal. Ang kanilang gamit ay manipestasyon ng diskursibong pakikipagtalabtaban ng tao sa nag-iiba-ibang agos ng kasaysayan at mga materyal na pwersang panlipunan. Kasalikop din sila ng pagmamarka ng tao ng kanilang kairalang ‘panghabang panahon’ sa mundo ng di masupil na pag-inog at pagkilos, ng nakagugulantang na mga kapanandalian. Kaya naman,ang mga kapookan ay pagsuysoy din sa mga lunan na magkakasalikop at umiibabaw sa bawat isa - heterotopia. Sa madaling salita, proyekto ng artikulong ito na basahin ang Calvario, isang popular na pook-pasyalan sa Mauban, Quezon, sa katulad na pagpapalagay sa kairalan ng pook at lunan upang itampok ang kaniyang kakanyahang pangheterotopia at ugnayan sa mga prosesong historikal. Ang artikulong ito ay tungkol din sa kasasayan ng Mauban, na pinalutang mula sa pag-iral ng iba-ibang lunan sa iisang pook. Papaksain ng artikulong ito, kung magkagayon, ang pagsasalunan ng lokal na kasaysayan, pagsasapook ng samu’t saring naratibo sa iisang istrukturang pampubliko at kung magkagayon ay pakikibahagi sa pagigiit ng kritikal na perspektibong panlipunan sa kontemporaneong panlipunang teorya at pagsusuri.
Mga susing salita: alamat, heterotopia, kasaysayang lokal, lunan, modernidad, pasyalang pangturismo, pook
Places are used for various reasons whether they be economic, social, political or ideological or a combination of two or all of them. Such uses of place, however, do not happen in a vacuum. They are a part of long historical processes. Their uses are a manifestation of the people’s discursive engagement with differing currents of history and material forces and their ways of stamping their ‘permanence’ in an otherwise world of unmitigated flux, of unsettling impermanences. Thus, places are also about spaces that overlap each other or present some alternate ordering called heterotopias. This paper reads Calvario, a popular town landmark in Mauban, Quezon, along that vein to highlight its heterotopic qualities and engagement with historical processes. In a number of ways, this article is about the town’s history, evoked through the presences of multifarious spaces in one place made by the town’s inhabitants through the years. This article therefore is all about spatializing local history, emplacing varied narratives into one material structure, and thus, contributing to the reassertion of critical social perspective in contemporary social theory and analysis.
Keywords: heterotopia, legend, local history, modernity, place, space, tourist spot