Ganito na Noon, Ganito uli Ngayon: Pagtalunton sa Kasaysayan at Daynamiks ng Multilinggwal na Edukasyon sa Pilipinas
Abstract
Ang mother tongue-based multilingual education (MTB-MLE) na programa ng Departamento ng Edukasyon ay hindi isang bagong panukala, bagkus ay may pinagdaanang karanasan sa kasaysayan ng bansa. Sa Panahon ng mga Kastila, di-opisyal na ginamit ang katutubong wika sa kabila ng mga dekreto ng gobyerno sa Espanya na nag-aatas na gamitin ang wikang Kastila sa eskuwelahan. Sa Panahon ng Amerikano, patuloy na iniwasan ito sa kabila ng mga bill na ipinasa at pagtataguyod ng mga Amerikano at Pilipino na ituro at gamitin ang katutubong wika. Sa Panahon ng Hapon,itinuro ang Tagalog bagamat hinihinalang transisyon lang ito tungo sa pagtatanggal sa Ingles at sa malauna’y paggamit ng Nihonggo.Pagkaraan ng kalayaan,neoliberal na tendensiya ang umiral kaugnay ng wika ng edukasyon. Nagpatuloy ang pagtataguyod sa Ingles sa kabila ng adbokasya ng mga institusyon, grupo, at mga lehislador para sa mga katutubong wika. Bilang bahagi pa rin ng neoliberal na programa ng gobyernong Pilipino pagkaraan ng mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan, inadap ang Programang MTB-MLE kaugnay ng Millenium Development Goals ng United Nations. Muling bumabalik ang idea ng multilingguwal na edukasyon ngunit sa pagkakataong ito, mismong gobyernong Pilipino na ang nagtataguyod dito sa kabila ng mahabang panahon ng di-pagkilos. Iminumungkahi sa papel ang patuloy na pagtataguyod sa katutubong wika kasabay ng lalo pang pagpapaunlad at paggamit ng wikang pambansa sa edukasyon sa gitna ng malakas na suporta sa Ingles sa loob at labas ng bansa.
Mga susing salita: Multilingguwal na Edukasyon, Mother tongue-based Multilingual Education (MTB- MLE), Mga Wika ng Pilipinas, Neoliberalismo, Wikang Pambansa
The Mother Tongue-Based Multilingual Education being pursued by the Department of Education is not a new phenomenon in the country. It has its roots in its colonial past and even after it gained independence from its last colonizer, the Americans. During the Spanish Regime, native languages were used in schools despite numerous Royal decrees from Spain to teach and use the Castilian language. The American colonial government consistently ignored bills and advocacies of Americans and Filipinos to use and teach selected native languages in schools. Tagalog and Nihongo were taught in schools during the Japanese Occupation, though it was suspected to be a manipulative move to phase out English and eventually substitute Nihongo. Neoliberal tendencies soon took place after independence, giving way for English as medium in schools. The Millennium Development Goals of the United Nations which the Philippines is a signatory to, advocates MTB-MLE. Thus, the government is pushing thru its plan for a multilingual education program. This paper recommends support for this program and at the same time advocates the continued use and development of the national language in the midst of strong support for English within and outside the country.
Keywords: Multilingual Education, Mother Tongue- Based Multilingual Education (MTB- MLE), Philippine Languages, National Language, Neoliberalism