Noon pa man, Nand’yan na, Ano’t Inietsapwera: Ang Maraming Wika ng Pilipinas

  • Reuel Aguila Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

Bagamat walang matatawag na bansang Pilipinas noong malayong nakaraan, nandoon na ang mga 171 etno-lingwistikong grupo sa arkipelagong ito; malayang nabubuhay at nakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Sa pagkakatatag ng bansang tatawaging Pilipinas, at sa itinatag na pambansang wika para pag-isahin ang lahat ng etno-lingwistikong grupong ito, susulpot ang ilang mga suliranin tulad ng papel ng mga grupong ito sa pagbubuo ng bansa at pambansang wika.

Isang pagsalungguhit ang papel na ito sa pagtanaw sa pagiging multi-lingwal ng bansa, bagay na kailangang ikonsidera sa pagbubuo ng pambansang wika.

Mga susing salita: Etno-lingwistikong grupo, pambansang wika, multi-lingwal,

 

In the far past, even before the Philippine nation came to exist, the archipelago was already home to around 171 ethno-linguistic groups; living and associating with each other freely.

In establishing the nation that would be called the Philippines, and in establishing the national language to unite all of these ethno-linguistic groups, several problems will arise like what role these groups will play in forming a nation and national language.

This paper underlines the examination of being a multilingual nation, something which has to be considered in creating a national language.

Keywords: ethno-linguistic groups, national language, multilingual