Paglahok ng mga Lider Magsasaka sa Istruktura ng Pamamahala sa Lokal at Pambansang Antas: Mga Bunga at Hamon

  • Aleli Bawagan Sentro ng Wikang Filipino
  • Ana Angela Cayabyab
  • Devralin Lagos
  • Victor Obedicen
  • Celeste Vallejos
  • Reginald Vallejos

Abstract

Nilalayong maipakita ng papel na ito ang bunga ng paglahok ng mga lider magsasaka na nahalal sa lokal at nasyunal na posisyon sa pamahalaan. Tinitingnan ng pag-aaral na ito ang mga bunga ng paglahok na ito sa apat na aspekto: 1) bilang lider, ang kanilang pananaw hinggil sa parlyamentaryong pakikibaka at ang ambag nito sa pagsulong ng kanilang adyendang pangkaunlaran; 2) mga benebisyong natatanggap ng kanilang mga samahan; 3) mga serbisyong naibahagi sa kanilang mga pamayanan; at, 4) kung papaanong higit nilang naisusulong ang adyendang pangkaunlaran ng kanilang sektor. Nais din ng pag-aaral na ito na ipakita ang mga mahahalagang aral at ambag sa teorya at praktika ng pagpapaunlad ng pamayanan (community development), pagpapaunlad ng pamumuno (leadership development), pag-oorganisa ng pamayanan (community organizing), at pamamahalang pang-pamayanan (community governance and empowerment).
Pinapakita ng atikulo ang kahalagahan ng pagsasapraktika ng mga katangian ng pagiging mapaggiit, mapanlahok, at pagkakaloob ng taos pusong serbisyo para sa mga mamamayan. Natutunan ito ng mga lider magsasaka sa kanilang mga samahan at patuloy na ginagamit ngayong sila ay nasa pamahalaan na. Pinapakita ng kanilang mga karanasan na ang mga samahan ng mga magsasaka ay mahusay na paraan upang sanayin ang mga mamamayan para maging lider ng pamahalaan sa hinaharap. Higit sa lahat, ipinakikita ng mga lider na ito na kapag sila ay nahalal sa pamahalaan, palagiang nasa isip nila ang kapakanan ng mga mamamayan. Aabutin ng kanilang tapat na paglilingkod ang lahat ng mamamayan kahit pa sila ay nakatira sa libilib pang mga pook ng ating bansa.

Mga susing salita: pamamahalang pangpamayanan, pamumuno, pagpapapunlad ng pamayanan, lider magsasaka

This paper aims to show the outcomes of participation of farmer leaders who were elected to local and national government positions. The paper will look at the outcomes in four aspects: 1) as leaders, their views on the parliamentary struggle and its contribution to their sectoral development; 2) benefits received by their people’s organizations; 3) services received by their communities; and, 4) how they are able to advance the development agenda of their sector. This paper likewise aims to present the important lessons and contribution to theory and practice in community development, leadership development, community organizing and community governance and empowerment.
The paper shows the importance of the practice of various leadership traits such as assertiveness, being participatory, and providing dedicated and self-less service to the people. The farmer leaders learned these traits from their organizations and continue to practice it even if they are in government positions. Their experiences show that farmers organizations can be an effective training ground for government positions in the future. And lastly, the leaders proved that even if they have been elected to government, still foremost in their minds is the welfare of the people.

Keywords: community governance, leadership, community development, farmer leaders