Pagtatanghal ng Tulang Akeanon: Papel ng Vernakular sa Pag-akda ng Pambansang Panitikan
Abstract
Bilang vernakular, ang tulang Akeanon ay kailangang itanghal upang mabasa at mabigyang-puwang sa pambansang panitikan. Gamit ang pagbasang kultural na nakaangot sa konseptwalisasyon ng “pambansang panitikan” nina Bienvenido Lumbera at Rolando Tolentino, tatangkaing ipalabas ng papel ang mga nilupig na kaalaman (subjugated knowledges) at praktis sa pamamagitan ng pagpapalitaw ng panitikang oral (hal., epiko at hueobaton) at paglulugar ng tulang Akeanon sa kolonyal na kultura. Haka-haka ng papel na sa kabila ng paggamit ng Pormalismo, ang mga tulang Akeanon ay mayroon pa ring bahid (trace) ng panitikang oral at katutubong kultura na siyang pinaghahanguan ng mga talinghaga para sa pagbabalikwas at pag-aalsa laban sa dominanteng uri, kasarian at lahi. Ang tulang Akeanon, higit sa “pagkilala” at “pag-iisa” sa kasaysayan at kulturang pambansa, ay nagsusumikap ring mag-akda ng sariling posisyonalidad sa diskurso ng pambasang panitikan.Mga susing salita: vernakular, panitikang oral, pambansa, pambansang panitikan, nilupig na kaalaman, lingua franca
Akeanon poetry as vernacular needs to be foregrounded for it to have a space in the national literature. Using cultural studies and Bienvenido Lumbera and Rolando Tolentino’s concept of “national literature,” this paper attempts to show the subjugated knowledges and practices by foregrounding oral literature (eg. epic and proverbs), and positioning Akeanon poetry in the colonial culture. This paper proposes that despite the use of Formalism, Akeanon poetry still has the trace of oral literature and native culture, where metaphors are mined to subvert and rise against the dominating class, gender, and race. Akeanon poetry, more than “identifying” and “uniting” with history and the national culture, tries to write its own positionality in the discourse of national literature.
Keywords: vernacular, oral literature, national, national literature, subjugated knowledge