Ang Unibersal na Nukleyus at ang Filipino
Abstract
ABSTRAK
Tinatawag na Language Universals ang pagtukoy sa katangian kung saan may mga elementong nagpapakita ng pagkakatulad ng mga wika sa mundo. Ang mga grupo ng wika sa ating bansa ay magkakamag-anak, kaya’t may mga patunay sa pagkakaroon nito ng ‘Unibersal na Nukleyus’.
Kabilang sa mga elementong ito ay ang pagkakatulad ng mga: (1) Tunog; (2) Morpim at Salita; at (3) Sintaks.
Bunga nito, marapat na kilalanin natin na ang Wikang pambansa natin ay Fiipino dahil noon pa man ay mayroon na itong Unibersal na Nukleyus. Hindi na kailangan pang antayin na mapagyaman, idebelop o madebelop pa ang ating wika bago kilalanin. Ang kailangan lamang gawin ay kilalanin ito at gamitin bilang opisyal na wikang pangkomunikasyon ng gobyerno at wikang panturo sa mga paaralan.
ABSTRACT
Identifying characteristics of different languages in the world such that elements are shown to share certain commonalities is called Language Universals. The different language groups in the Philippines are correlated to each other, thereby resulting in evidence of their having a ‘Universal Nucleus’.
Elements that show commonalities are (1) Sound; (2) Morpheme and Words; and (3) Syntax.
Therefore, it is timely to acknowledge that Filipino is our national language, because, historically, it already had a universal nucleus. There is no need to wait for the language to flourish, develop, or be developed further before the claim can be made. All that is needed is for Filipino to be recognized and used as the official means of communication in the government and the official medium of instruction in schools.