Deaf / Bingi at deaf / bingi at ang Filipino Sign Language (FSL): Usapin ng Wika at Identidad
Abstract
Hindi tulad ng ibang wika sa Pilipinas na binibigkas, ang Filipino Sign Language o FSL ay isang wikang biswal na ginagamit ng mga Deaf Filipino o Binging Filipino. Mula sa isang eksploratoryo at panimulang pag-aaral na ginamitan ng etnograpiya ay nais ipakita ng papel na ito kung ano ang kahalagahan ng FSL sa identidad ng mga Binging Filipino. Tiningnan din ng papel na ito kung ano ang pagpapakahulugan o meaning-making na ibinibigay ng mga Binging Filipino sa FSL. Kaugnay rin nito ay ang pagsiyasat at pagbigay ng ilang katanungan sa kasalukuyang kumbensiyon sa paggamit ng “deaf” para sa patolohikal o medikal na kondisyon nang hindi pagkakaroon ng pandinig at “Deaf” naman kapag ito ay tumutukoy sa mga bingi o deaf na nakikibahagi sa kultura ng mga Bingi.
Mga susing salita: wika, identidad, Bingi, wikang biswal, Filipino Sign Language (FSL)
Unlike other languages in the Philippines which are spoken, Filipino Sign Language or FSL is a visual language used by Deaf Filipinos. This study showed the importance of FSL in the identity of Deaf Filipinos through an exploratory study using ethnography. It also looked into the meanings given to FSL by the Deaf Filipinos. Furthermore, this study raised points on the pervading convention on the use of “deaf” for people with pathological or medical condition of deafness compared to “Deaf” or those deaf people who takes part in the Deaf culture.
Keywords: language, identity, Deaf, visual language, Filipino Sign Language (FSL)