Ang Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Pranses (Panayam)

  • Elisabeth Luquin

Abstract

Ang papel na ito ay tungkol sa pagtuturo ng Filipino sa mga estudyanteng Pranses sa Institut National des Langues et Civilisations Orientales (INALCO) o Pambansang Surian ng mga Wika at Kabihasnang Silanganin sa Paris. Sa unang bahagi ng ambag na ito ay ipakilala ang pangkat ng Departamento Timog-Silangang Asya at Pacifico: sino ang mga estudyante at mga guro? Sa ikalawang bahagi ay ibabahagi ang pamamaraan ng pagtuturo. Panghuli, ipapakita ang mga pagsubok sa pagtuturo sa mga estudyanteng Pranses o banyaga, kasama na rito ang mga kakulangan at kahinaan na maaaring mapaunlad.

 

Mga susing salita: Pagtuturo, wikang Filipino, banyagang wika, suliranin, karagdagang trabaho

 

This paper is about the teaching of Filipino language to French students at the National Institute of Oriental Languages and Cultures (INALCO) in Paris. The first part of the contribution presents the Filipino section of the Southeast Asian and Pacific Languages department: who are the students and who are the teachers? The second part gives the teaching proceedings, and the third points out the problems encountered in teaching French students or foreigners, and the weaknesses that can be improved.

 

Keywords: Teaching, Filipino language, foreign language, problems, working recommendation

Published
2017-09-14