Ang Babae sa Pook Pagawaan: Mga Espasyo ng Pag-aangkin sa Piling mga Nobela ni Valeriano Hernandez-Peña
Abstract
ABSTRAK
Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagsusuri sa pampanitikang representasyon ng babae sa pook pagawaan at ang espasyo ng pag-aangkin sa piling mga nobela ni Valeriano Hernandez-Peña. Kung sinasabing ang panitikan ay representasyon ng isinahirayang ugnayan ng mga indibidwal sa kanilang kondisyon ng pag-iral sa lipunan, paano nabibigyan ng pampanitikang representasyon ang babaeng manggagawa sa mga nobela ni Valeriano Hernandez-Peña? Paanong muling nalikha sa mga akda ang mga karanasan ng kababaihang manggagawa – ang pagsasamantala sa tauhan bilang babae at bilang manggagawa? At sa gitna ng mga ito, paano nabibigyan ng ahensiya ang tauhan para baguhin ang kaniyang kalagayan sa nobela? Naging puwersa ang kababaihang manggagawa na kongkretong nagiging materyal ng manunulat sa pagsasahiraya sa unang mga dekada ng siglo 20. Gamit ang alegorikal na pagbasang sumasaklaw sa hanggahang politikal, panlipunan, at historikal, sinikap na bakatin ang ugnayan ng teksto sa konteksto ng ekonomiya, paggawa, at turing sa kababaihan sa unang dekada ng pananakop ng Amerikano, kung kailan umusbong ang mga nobela. Sa pangkalahatan, bagaman karamihan sa mga nobela ni Hernandez-Peña ay tumatalakay sa pag-ibig at nakakahon sa ideolohiya ng patriyarka, may mga guwang sa teksto na nagsilbing daluyan ng mga resistant na imahen/espasyo ng/para sa babaeng manggagawa. Tinatayang mapupunan ng pag-aaral ang mga puwang na naiwan ng ibang manunulat na pumaksa sa kasarian at gayundin, makapagdaragdag sa mga pananaliksik tungkol sa babaeng manggagawa sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano.
Mga susing salita: nobelang Tagalog, panunuring pampanitikan, babae, manggagawa, panahon ng Amerikano
ABSTRACT
The study analyzes how representations in literature relate the imagined and real lives of individuals in society. Because women workers provided a tangible material for Valeriano Hernandez-Peña in re-imagining American colonialism, the article examines how they were recreated in the novels of the author. How did Hernandez-Peña articulate the experiences of the female character and her oppression as a woman and a worker? In the process, how is the character given agency to transform her condition in the novel? Using an allegorical reading that encompasses the political, social, and historical, the researcher outlined connections and correspondences in the context of economics, labor, and prevailing concepts on women during the period. As a whole, even if Hernandez-Peña produced mostly romantic novels confined to the patriarchal ideology, there are crevices in the text where resistant images/spaces of/for women workers flow. The study contributes to the existing research on women workers during American colonialism as well as to the continuing discourses on gender.
Keywords: Tagalog novel, literary criticism, women, workers, American period