Ang Pagsasalin Sa Ilustrado: Isang Awtokritisismo

  • Chuckberry J. Pascual Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

ABSTRAK

Sa unang bahagi ng papel na ito, susuriin ang Ilustrado bilang nobelang postmoderno at isang nobelang “isinasalin” ang sarili. Ang kasunod na bahagi ay isang awtokritisismo: tatalakayin ang naging proseso ng pagsasalin sa nobela mula Ingles patungong Filipino. Sisipatin naman sa huling bahagi ang implikasyon ng nobela sa diskurso ng nasyonalismo, gamit ang mga ideya nina Abad, Garcia, at Rafael tungkol sa panitikan sa Ingles, realismo, at pagsasalin. Inaasahang mapalitaw na ang pagsasalin ay pagsusulat mismo, na isa itong proseso ng sabayang pag-alis at pagbalik, ng paghahanap sa naiiwan, at isang ehersisyo sa liminalidad.

 

Mga susing salita: nobela, postmodernismo, awtokritisismo, nasyonalismo, pagsasalin

 

ABSTRACT

The first part of this paper will examine Ilustrado as a postmodern novel that translates itself. The next part is an autocritique covering the process of translating the novel from English to Filipino. Utilizing Abad’s, Garcia’s and Rafael’s theorizings on our literature in English, realism, and translation, the last part will look into how the novel is implicated in nationalist discourse. Ultimately, the paper aims to show translation as an act of writing, a process of simultaneous departure and homecoming, a search for what is left, and an exercise in liminality.

 

Keywords: novel, postmodernism, autocritique, nationalism, translation

Published
2018-09-05
Section
Articles