Analisis sa Paggamit ng Wika sa Pagbabalita sa Telebisyon: Tungo sa Pagbuo ng Tuntuning Pangwika sa Filipino
Abstract
ABSTRAK
Ang pag-aaral ay may kinalaman sa mga di-wastong paggamit ng wika ng pagbabalitang prime time sa telebisyon ng dalawang pangunahing network sa bansa, ang TV Patrol ng ABS-CBN at 24 Oras ng GMA-7 na ang layon ay makalikha ng mga tuntuning pangwika para sa larang na ito. Layon din ng pag-aaral na gawing lantad na batayan ang mga pagkakamali sa pagbabalita upang patunayang mas nagiging mabilis at malinaw ang paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng kasanayan sa paggamit ng wika at kaalamang panggramatika. Tulad ng Teoryang Error Analysis, positibo at progresibo ang pagtingin ng mananaliksik sa mga pagkakamaling ito upang maging daluyan ng mga pagwawasto. Panayam, pagmonitor at pagrekord ng mga balita ang inisyal na pamamaraan na ginamit sa pangangalap ng datos at pagkatapos ay trinanskrayb at inilagak ang mga ito sa data bank. Inilatag sa Deskriptibong Taksonomiya na may tatlong simpleng rabaw (three plane surface) ang mga news story, news narrative at news summary ng TV Patrol ng buwan ng Oktubre at 24 Oras ng buwan ng Agosto, 2016 na ginamit na korpus ng pag-aaral. Gamit ang lenteng Error Analysis ni Corder (1981), inilatag at hinimay ang mga pagkakamali sa tatlong hakbang ng pagsusuri na: 1. koleksiyon at rekognisyon, 2. deskripsiyon at klasipikasyon, at 3. modipikasyon. Ginawang batayan ang mga internasyonal na babasahin tungkol sa pagbabalita sa telebisyon, manwal, diksiyonaryo at Ortograpiyang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pag-iisa-isa ng mga pagkakamali at pagtatama sa mga ito. Mula sa sinuring korpus na dumaan sa prosesong triyangulasyon, ay isinakategorya ang mga tuntunin sa lima: adisyon, omisyon, paggamit ng mga salita, pagpili ng mga salita at pagkasunod-sunod ng mga salita, na kinakitaan ng karaniwang pagkakamali sa paggamit ng wika sa pagbabalita. Mula rito, nabuo ang mga tuntuning pangwika para sa pagbabalita sa telebisyon.
Mga susing salita: Gamit ng Wika, Balitang Pantelebisyon, Error Analysis, Deskriptibong Taksonomiya, Tuntuning Pangwika
ABSTRACT
This study pertained to the grammatical errors in primetime news casting of the two biggest networks in the country, TV Patrol of ABS-CBN and 24 Oras of GMA-7. This aimed to correct the errors that were documented, believing that one of the most popular media, television news casting, will aid in teaching and enriching the Filipino Language because of its wide access and influence making teaching and learning process more natural and easier. The researcher viewed the errors positively and progressively. Corder’s Error Analysis (1981) was used to construct the descriptive taxonomy from the news stories of TV Patrol for the month of October and 24 Oras for August 2016. For the data gathering, the initial procedure was monitoring and documenting of news. The news for one month was transcribed and was kept in a data bank. Language manuals and guides were the basis in classifying the errors. The errors were analyzed and were classified into word Addition, Omission, Correct Usage, Proper Word, and Proper Word Order Category. To ensure the accuracy of the results, the researcher used triangulation method through Personal Analysis, Focus Group Discussion and Final Discussion attended by experts in the Filipino Language and practitioners in news casting, and from this, language rules were created, which can be the basis of news script writing in Broadcasting.
Keywords: Language use, television news casting, Error Analysis, descriptive taxonomy, language rules