1872-1898: Uri at Kasarian sa Gitna ng Ekonomikong Pagbabago ng mga Huling Dekada ng ika-19 na Siglo sa mga Nobela ni Patricio Mariano

  • Christopher Mitch C. Cerda Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

Abstrak

 

Tinatalakay ng sanaysay na ito ang tatlong nobela ni Patricio Mariano at kung paano inilarawan ang huling tatlong dekada ng kolonyalismong Espanyol. Bagaman nailathala sa pagitan ng 1906-1913, nakatagpo ang tatlong nobelang Juan Masili o Ang Pinuno ng Tulisan (1906), Ang Bunga ng Nalantang Bulaklak (1908), at Ang Tala ng Panghulo (1913) sa pagitan ng mga taong 1872-1898. Nais ikatwiran ng sanaysay na ito ang halaga ng kasaysayan sa panulat ni Mariano. Hindi ito tulad ng naunang mga puna ng mga kritiko na nagsasabing hindi mahalaga o hindi lubos na naiugnay ang lunang pangkasaysayan ng mga nobela sa kuwentong romantiko ng mga tauhan. Sa partikular, nais ikatwiran ng sanaysay ang halaga ng lunang pangkasaysayan at panlipunan, lalo na ang usaping pang-ekonomiya at pangkasarian, sa binubuong kamalayang pangkasaysayan at kamalayang makabayan para sa mga mambabasang Pilipino ng unang dalawang dekada ng ika-20 siglo. Ikakatwiran na ginagamit ni Mariano ang kasaysayan sa isang alegorikong paraan upang ilahad ang ugat ng nasyonalismong Pilipino at kung paano maaaring maabot ang tinatamasang kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas.

 

Mga Susing Salita: Kolonyalismong Espanyol, nasyonalismong Pilipino, nobelang pangkasaysayan, alegoryang pangkasaysayan, uri, kasarian

 

Abstract

This essay discusses the three novels of Patricio Mariano and how these novels depict the last three decades of Spanish colonialism. Even though these were published between 1906-1913, the novels Juan Masili o Ang Pinuno ng Tulisan (1906), Ang Bunga ng Nalantang Bulaklak (1908), and Ang Tala ng Panghulo (1913) were set between the years 1872-1898. This essay argues that history as both theme and setting is important in Mariano’s writing. This is different from past critiques and analysis that dismiss his use of historical setting as disconnected from the romantic plots of his characters. In particular, the essay argues the importance of the historical and social milieu, in the realm of economic and gender discourse and in creating historical and national consciousness for the Filipino readers in the first two decades of the 20th century. It would be argued that Mariano uses history in an alegorical way to show the roots of Filipino nationalism and how the desired freedom and independence of the Philippines can be achieved.

 

Keywords: Spanish colonialism, Filipino nationalism, historical novel, historical allegory, class, gender

Published
2022-02-02