Pag-aakda ng Isla ng Panay Bilang Pook ng Paglaban: Ang mga Binalaybay ni Mayamor / Maya Daniel / Roger Felix Salditos

  • Karlo Mikhail I. Mongaya Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Abstract

Abstrak

Layunin ng artikulo ko na ipakilala sa mga iskolar at mambabasa ng panitikan ng Pilipinas si Roger Felix Salditos (1958-2018), isang rebolusyonaryong martir, pintor at manunulat mula sa Kabisayaan na mas kilala sa kaniyang mga sagisag-panulat na Mayamor at Maya Daniel. Dahil sa kaniyang bokasyon bilang rebolusyonaryo na kumilos pangunahin sa kanayunan ng Isla ng Panay, mababasa lamang sa mga publikasyon ng kilusang rebolusyonaryo ang kalakhan ng mga sulatin ni Salditos. Ibinabahagi ng aking artikulo ang ilang datos hinggil sa buhay ni Salditos at historikal na naratibo ng rebolusyonaryong pakikibaka sa Isla ng Panay na kaniyang kinilusan sa loob ng apat na dekada. Sinusuri ko ang kaniyang mga binalaybay na inilathala sa koleksiyong 50: Mga Binalaybay ni Roger Felix Salditos (Mayamor / Maya Daniel) (2020) upang ilahad ang katangian ng mga ito bilang mga aktibong interbensiyon sa pag-aakda sa Isla ng Panay bilang isang natatanging pook ng paglaban ng mga masang anakpawis na manggagawa, magsasaka, at katutubong Tumandok. Samakatwid, mababasa sa kaniyang mga binalaybay kapwa ang pag-uugat sa mga lokal na praktika, kaalaman, at wika at ang pagdurugtong ng mga ito sa isang pambansa at internasyonalistang rebolusyonaryong simulain. Tinutugunan, sa gayon, ng paglathala ng salin ni Kerima Tariman sa mga tula ni Maya ang pagsasantabi ng isang mahalagang tinig na kumakatawan sa talaban ng katutubong pampanitikang tradisyon at mapagpalayang simulain ng kilusang rebolusyonaryo sa kanayunan ng Kabisayaan.

 

Mga Susing Salita: Roger Felix Salditos, Panitikang Pilipino, Panitikang Hiligaynon, Isla ng Panay, Tumandok

 

Abstract

 

My article aims to introduce Roger Felix Salditos (1958-2018), a revolutionary martyr, painter, and writer from the Visayas who is better known by his pen name Mayamor and Maya Daniel, to scholars and readers of Philippine literature. For a long time, Salditos’ writings can only be read in the publications of the revolutionary movement because of his vocation as a revolutionary who has been active in the countryside of Panay Island. My paper presents some facts about the life of Salditos and the historical narrative of the revolutionary struggle in Panay Island which he was involved in for four decades. I analyze his poetry published in the collection 50: Mga Binalaybay ni Roger Felix Salditos (Mayamor / Maya Daniel) (2020) as active interventions in the writing of Panay Island as a particular terrain of resistance by toiling masses of workers, peasants, and indigenous Tumandok. In conclusion, I read in his poetry both a rooting in local practice, knowledge, and language and their linking and raising to a national and internationalist revolutionary project. The publication of Kerima Tariman’s translation of Maya’s poetry thus addresses the marginalization of an important voice who embodies the mingling of indigenous literary tradition and the emancipatory vision of the revolutionary movement in the Visayan countrysides. 

 

Keywords: Roger Felix Salditos, Kerima Tariman, Philippine Literature, Hiligaynon Literature, Panay Island, Tumandok

Published
2022-02-02