Makabayang Intelektuwal-Manunulat ng Pamahalaang Komonwelt: Ang Kaso nina Amado V. Hernandez at Salvador P. Lopez

  • Kevin Armingol

Abstract

ABSTRAK


Layunin ng papel na ito na suriin ang mga akda ng dalawa sa tampok na makabayang manunulat sa Panahon ng Komonwelt na sina Amado V. Hernandez na kilala sa wikang Tagalog at Salvador P. Lopez para sa wikang Ingles. Gamit ang kani-kanilang akdang naisulat ng panahon ding iyon—koleksiyon ng tulang ‘Kayumanggi at iba pang tula’ ang kay Hernandez at mga sanaysay na ‘Proletarian Literature’ at ‘Literature and Society’ ang kay Lopez—tutukuyin ang mga namamayaning kaisipan at pananaw ng mga manunulat sa pagbubuo nila ng bayan gamit ang panulat. Inaasahan ding matutukoy at maipoposisyon ang panlipunang gampanin at tungkulin ng manunulat sa kinaiiralan nilang lipunan at panahon. Mula rito, bagaman may malilinaw na tampok na pagkakaiba at pinagkakaisahang mga usapin ang dalawang manunulat, nanatiling mapanuri at makabayan sina Hernandez at Lopez sa kabila ng sistematiko at ganap na Amerikanisasyon sa mga katutubong Pilipino sa halos limang dekadang direktang pananakop sa Pilipinas.

Published
2023-10-12