Ang Metodikong Duda at ang Duwalismong Cartesiano: Salin sa Unang Dalawang Bahagi ng Meditations ni René Descartes

  • Emmanuel De Leon

Abstract

ABSTRAK


Walang duda na klasiko itong Mga Meditasyon hinggil sa Unang Pilosopiya, unang inilathala sa wikang Latin noong 1641. Isa ito sa mga pundamental na teksto sa pilosopiya at ikinokonsiderang nagpasinaya ng ilang mahahalagang tema sa kasaysayan ng pilosopiyang Kanluranin. Hinimok nitó ang mga seryosong palaisip na “magsimulang muli mula sa pinakapundasyon” gamit ang metodikong duda upang makarating sa isang tiyak na basehan ng anumang kaalaman o agham. Bagaman may anim na kabanata ang libro, ang unang dalawang kabanata [muna] ang ilalathala upang umakma sa karaniwang haba ng isang artikulong pang-dyornal. Ang nasabing unang dalawang kabanata ang malimit ginagamit na babasahín sa pagtuturo ng epistemolohiya at metapisikang Cartesiano. Mahalaga ang pagsasalin nitó sa wikang Filipino upang higit na madalîng mabása, maunawaan at magamit ito ng mga mag-aaral at mananaliksik na Filipino. Hangad ng proyektong ito na mailapít sa mambabasáng Filipino ang isa sa pinakamahalaga—kundi man pinakamalahaga—na akda ni René Descartes upang makapag-ambag din ito sa diwang Filipino.

Published
2023-10-18