Pag-aangkop ng mga Modelong Adsorption Pang-isotermal ni Langmuir (1916) at Freundlich (1906) sa R gamit ang PUPAIM
Abstract
ABSTRAK
Ang “adsorption” o adsorpsiyon ay ang panandaliang pagdikit ng mga atom, molekyul, o ions (adsorbate) sa ibabaw ng isang bagay na tinatawag na adsorbent (bagay na dinikitan). Karaniwang ginagamit sa mga teknolohiyang naghihiwalay ng mga kemikal (halimbawa ang pag tatangal ng nakakalasong kemikal sa tubig at hangin). Ginagamit sa pag aaral ng nasabing penomena ang mga modelong matematikal na kung tawagin ay adsorption isotherms. Mula sa mga eksperimento ng adsorpsiyon sa laboratoryo, malimit bigyang-wangis ang mga naitalang mga datos sa dalawang modelo ng isotermal adsorsyon. Ito ang mga modelo nina Freundlich (1906) at Langmuir (1916). Sa papel na ito ay ipaliliwanag ang pag-aangkop ng mga datos ng adsorpsiyon sa mga modelong nabanggit gamit ang mga punsiyon ng PUPAIM. Ang PUPAIM ay isang package na ginawa para sa pang-estadististikang lengguwahe na “R” upang makapag angkop sa mga kilala at nailathalang mga modelo ng isotermal adsorpsiyon. Isa sa mga katangian ng PUPAIM ay ang pagkakaroon nito ng mga ekwasyon na “non-linear” na karagdagan sa mga nakagawiang ekwasyon na linear. Ang nasabing R package ay nailathala sa respositoryo ng Comprehensive R Archive Network (CRAN) https://cran.rproject.org/ at malayang magagamit ninuman. Ang papel na ito ay nagsisilbi ring pangalawang kalakip na babasahin o vignette para sa PUPAIM.