Isang Paglalapat at Pagninilay sa Functional Theory of Language ni Newmark sa Pagsasalin ng Akdang “Poor Man's Love”

  • Leslie Anne Liwanag
  • Maria Vanessa Gabunada
  • Deborrah Sadile Anastacio

Abstract

ABSTRAK


Humigit-kumulang tatlumpu’t tatlong taon na ang nakalipas nang artikulahin ni Peter Newmark (1916–2011) ang teorya sa pagsasalin na nagbunga ng iba’t ibang pag-aaral ng mga iskolar at dalubhasa sa larangan ng Araling Pagsasalin. Tinangka ng papel na itong masusing talakayin ang bawat antas ng Functional Theory of Language ni Newmark, sa pamamagitan ng paglalapat ng pinagdaanang proseso sa pagsasalin ng akdang “Poor Man’s Love.” Upang maging kapaki-pakinabang ang proyektong ito sa mga iskolar ng pagsasalin at mag-aaral ng Araling Pilipino, ibinahagi ang ilang aral at kabatiran sa karanasan ng pagsasalin ng naturang maikling kuwento. Sa pamamagitan ng elektronikong pakikipag-ugnayan ng mga mananaliksik sa manunulat ng nasabing akda, personal na humingi ng pahintulot upang maisalin ang maikling kuwento.

Published
2023-10-18