Ang Panimulang Rehistro ng Wika sa Industriyang Pag-aalahas ng Barangay Calvario sa Lungsod ng Meycauayan, Bulacan

  • Vladimir Villejo

Abstract

ABSTRAK


Nag-ugat ang makasaysayang lugar ng Meycauayan sa taguri na ‘maykawayan’ kung saan pinaniniwalaang itinatag dito ang simbahang yari sa nipa at kawayan. Dahil sa natatangi nitong kasaysayang heograpikal bilang unang kinilalang lalawigan bago ang Bulacan, marahil, nagsisilbing batis din ito ng mayamang karanasan at salaysay pangkalinangan na naipapahayag sa pamamagitan ng wika. Ang industriya ng pag-aalahas ay nagsilbing isa sa mga industriyang batis ng kabuhayan sa buong lungsod bukod sa balat, handicrafts, pagpapanday, at iba pa. Bagama’t kinikilala ang Meycauayan sa industriyang pag-aalahas, ito ay kinakitaan ng unti-unting pagtamlay sa paglipas ng panahon. Mangilan-ngilan na lamang ang nagpapatuloy at nagtataguyod ng kanilang kabuhayang bansag sa kanilang lugar partikular sa Brgy. Calvario. Layunin ng papel na siyasatin ang mga panimulang umiiral na rehistro ng wika mula sa mga glosaryo ng salita na nakakabit sa proseso ng pag-aalahas gayundin ang paggalugad sa kalagayan nito sa modernong panahon. Ginamit ang Value-Chain Process ni Porter at Systemic Functional Linguistics ni Halliday bilang balangkas, sinuri ang proseso ng paggawa ng pag-aalahas na siyang pagmumulan ng mga salita, at paglalahad ng mga kahulugang nakaugat sa industriya. Tinalakay rin sa papel na ito ang mga konseptong nakasalig sa sosyolingguwistika ng wika upang mapagtibay ang pagiging domeyn ng pag-aalahas sa lungsod ng Meycauayan at makapag-aambag sa industriyang lokal at panlalawigan

Published
2023-10-18