Lingon sa Iskolarsyip sa Dulaan (1948-2007) Looking Back on Theater Scholarship (1948-2007)

  • Apolonio B. Chua

Abstract

From 1948 to 2007, the academic community produced about a hundred titles of theses and dissertations on drama and theater, or made use of data from drama and theater for larger spheres of studies. The current article looked into identifying trends and points of emphasis, as the researches and studies progressed through roughly half a century of research production in the academic setting. Inductive in approach and tentative and exploratory in its analysis, the study identified four trends and points of emphasis in research production. In the fifties and sixties, the emphasis was more on studying the play text or drama; studies veered towards a literary reading and orientation. Eventually, this trend gave way to studying the larger phenomenon of mounting, and the mise en scéne and the spectator became additional units of concern for research. Studies began to have sections on props, costumes, and staging techniques. In the eighties, a larger concern for looking at theater as social production followed. Participant observation, field work and ethnography gave equal emphasis on the social context of theater. Marxism and other perspectives from the social sciences framed theater studies then; correlations between theater and society became useful. Towards the last decade of the century, theater studies aimed at a more conceptual approach, emphasizing core concepts like panata and other related or equivalent terms, elevating and defining the study of theater as a study of culture itself.  

Gamit ang mahigit sa sandaang tesis at disertasyon hinggil sa dula at dulaan o sinasangkot ang mga ito na lumabas sa akademya mula 1948 hanggang 2007, kapwa sa Unibersidad ng Pilipinas at sa iba pa, nilayon ng “Lingon sa Iskolarsyip sa Dulaan (1948-2007)” na pulsuhan ang pangkalahatang daloy, tutok, tunguhin o kalakaran sa pagdadala ng mga pag-aaral. Panimula at exploratory sa inductive nitong lapat, nakatukoy ang pag-aaral ng apat na sapit o tutok sa daloy ng mga pag-aaral sa mga panahong naturan. Nagsimula sa mga tutok sa iskrip/dula text noong dekada singkwenta at sisenta sa mga tesis at disertasyon, natampok sa pag-aaral ang pagsusulat ng dula/drama ang pampanitikang salik, awtor, at mga kaakibat. Hanggang bumagtas ang mga pag-aaral sa interes din ng mananaliksik sa usapin ng pagsasaentablado ng mga dula, sa usapin ng teatro/dulaan. Mula iskrip ng unang kaabalahan, natampok ang mga datos ng mise en scéne, ng tekstong aktuwal na pinapanood ng mga nakakasaksi sa mga pagtatanghal, ng mga kapamaraanang pang-entablado at kaugnay na usapin. Nang dumating ang dekada otsenta, lumundo ang pagtanaw ng mananaliksik sa pagtingin sa dulaan bilang produktong panlipunan. Ang participant observation, field work at ethnography ng pangalawang tutok ay nadagdagan ng higit na panlipunang hangganan, ng mga diing kontekstuwal at sosyolohikal. Sabihin pa, sumaklaw ang disiplina ng agham panlipunan sa pangatlong naobserbahang tutok sa mga pag-aaral, kumpara sa disiplina ng panitikan at disiplina ng teatro sa nangauna. Sa mga huling dekada ng dantaon dalawampu, umangat pa ang pag-aaral sa tutok kultural, kung saan higit na sinalungguhitan ng mga pananaliksik ang mga partikular na dalumat na umiinog sa mga ritwal at pagtatanghal, higit na tinutukan ng mga pag-aaral ang salik ng panata at mga kahalintulad; bagay na nag-angat sa mga pag-aaral na ito sa higit na malawakang interes—hindi na lang sa sining at pamayanan, kundi sa kulturang umiiral dito, manapa, kinilala ang pag-aaral ng dulaan na larang ng pag-aaral ng kultura.

Section
Articles

Keywords

Philippine theater scholarship, panata, simulain, Theater as Literature, performance, theater studies