Ang Pilosopiya ni Ricardo Pascual

  • Joshua Mariz B. Felicilda De La Salle University

Abstract

Layunin ng papel na itong maimulat ang mga ideya at kaisipan ng Pilipinong pilosopo na si Ricardo Pascual. Nahahati ang papel sa tatlong bahagi: Una’y pagtalakay sa kontrobersiyal niyang karera sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ang ikalawa’y pagbubuod at pagsusuri ng mahahalagang mga akda ni Ricardo Pascual. Ang pangunahing pokus ng pagsusuri na ito’y ang mga nailathala niyang aklat. Gamit ang balangkas ng labing-anim na diskurso ng Pilosopiyang Filipino na binalangkas ni Feorillo Demeterio (2013) na ginamit ni Emmanuel De Leon sa pagsusuri niya ng mga Tomasinong Pilipino, susuriin ang pangkalahatang anyo at diskurso ng pamimilosopiya ni Pascual, sa pamamagitan ng pagsasakategorya ng kanyang mga akda batay sa balangkas ni Demeterio. Ang huling bahagi nama’y paghahalaw ng mga mahahalagang punto ng pilosopiya ni Pascual, partikular ang kanyang pagtugon sa mga isyung politikal ng bansa. Giit ng papel na ang pangunahing pilosopikal na layunin ni Pascual ay ang pagtatalakay sa kontemporaryong sosyo-politikal na isyu ng bansa upang makapagbigay-lunas sa mga ito, sa paraang hawig sa kanyang iniidolong si Rizal. Maimpluwensyang pigura si Pascual sa Departamento ng Pilosopiya ng UP noon, at ibinahagi niya sa mga estudyante ang anyo ng pilosopiyang gumagamit ng lohikang minana niya sa positibismo at kritikal na diskurso. 


English Abstract


This paper aims to shed light on the thought and ideas of the Filipino philosopher, Ricardo Pascual. It is divided into three parts: Firstly, it discusses his controversial career at UP. Secondly, it aims to analyze and synthesize Pascual’s notable works, mainly his published books. Using Feorillo Demeterio’s sixteen discourses in Filipino philosophy (2013) as a framework which was used by Emmanuel De Leon in his analysis of Thomasian philosophers, this paper investigates the overall philosophical discourse of Pascual, by categorizing his works based on Demeterio’s framework. The final part of the paper aims to surface notable points in Pascual’s philosophy, particularly his responses to political issues in the country. This paper argues that Pascual’s main philosophical project centers on discussing the contemporary socio-political issues of the country during his time in order to prescribe solutions to them, in a way that resembles those of his idol, Jose Rizal. Pascual was an influential figure in the Philosophy Department at UP at the time and he was able to impart to his students a philosophy in the form of logic that he inherited from positivism as well as critical discourse.

Published
2022-12-15
Section
Articles