-
U.Z. Eliserio
University of the Philippines Diliman
Abstract
Ang papel na ito ay tumatalakay sa paraan ng kritisismong inilatag ng Norte Amerikanong si Fredric Jameson sa kanyang librong Archaeologies of the Future: The Desire Called Utopia and Other Science Fictions. Ipinapaliwanag sa papel ang relasyon ng formalismo at historisismo para kay Jameson, ang paggamit niya ng semyotikong parisukat (mula kay Alexander Greimas), gayundin ang kanyang pagtatanggol sa mga konsepto ng utopia at diyalektika, na tila ba wala na sa uso o hindi na nakapangungumbinsi sa kasalukuyang atmospera ng teorya at kritisismo. Gamit si Jameson bilang tulak, magsasagawa ang papel ng metakritisismo sa sanaysay na “Mula ST Hanggang Histori” ni Alwin Aguirre, bilang kontribusyon sa diyalogong kritikal sa Pilipinas, saka maglulunsad ng maka-Jameson na pagbasa sa antolohiyang The Best Philippine Speculative Fiction, inedit nina Dean at Nikki Alfar. Mga susing salita: formalismo, utopia, diyalektika, future fiction, marxismo