Ang Hangal ng Tarot, ang Tula, Arkitepo at Anomie: Tungo sa Pag-unawa sa Isyu ng Pagpapatiwakal
Abstract
Abstrak
Tinalakay ng papel ang pagpapatiwakal sa tulang Ilog ni Baquiran sa paraang arketipiko. Simbolikal na inanalisa ang kamatayan gamit ang teorya ni Carl Jung at iniugnay sa mga mitolohikal na imahen sa literatura. Inunawa rito ang pagtingin sa arketipo ng anino o depresyon ng tao na kailangan niyang maigpawan upang magkaroon ng resureksiyon ng kaluluwa ng isang indibidwal na lubog sa simbolikong kamatayan o kadiliman. Matapos ang pagsusuri ng indibidwal o sikolohikal na paraan, iniugnay pagkaraan ang isyu ng pagpapatiwakal sa teorya ng anomie ni Durkheim. Nagkakaroon nito dahil sa mga krisis, lalo ang ekonomikal na krisis, o ang kaligaligan ng kaayusang kolektibo sa isang lipunan. Upang magkaroon ng pagbabago at maisalba ang mga batang nagpatiwakal, kakailanganing tumugon ng sistema’t institusyon na may mataas na moralidad sa kalagayan ng kasalatan. Mananatiling simbolo ng arketipo ng Hangal na walang natutunan ang isang lipunang walang pagtugon sa krisis ng bayan.
Mga susing salita: pagpapatiwakal, arketipo, Jung, anomie, Durkheim
Abstract
The paper analyzed the issue of suicide in the poem “Ilog (River)” using the archetypal approach. Death was examined symbolically through the theory of Carl Jung and connected with other mythological images in literature. The shadow archetype or the depression of a person must be understood and overcome to allow the resurrection of the individual’s soul wallowing in death or darkness. After focusing on the internal or psychological aspect of the individual, suicide was analyzed using the anomie theory of Durkheim. Suicide happens because there is a crisis, not only inside an individual but at the societal level, such as an economic crisis, or the disturbances of the collective order of a society. For there to be a change and salvation of suicide child victims, the system and institutions with a strong moral ascendancy must respond to the problems of poverty. A nation that never responds to such crisis is always a symbol of the Fool archetype who never learns.
Keywords: suicide, archetypes, Jung, anomie, Durkheim