Sulat na Me, Basa Na U <br>Ang Politikal na Datíng ng Panulat ni Eros Atalia

  • Zarina Joy T. Santos University of the Philippines Diliman

Abstract

ABSTRAK

Ang papel na ito ay pagsusuri sa mga gawa ng manunulat na si Eros Atalia, nang may diin sa kanyang mga dagli, gamit ang kambal na perspektibo ni Bienvenido Lumbera at Rolando Tolentino. Para kay Tolentino, lahat ng pagsusulat ay politikal, kahit na, o lalo na, iyong mga akdang itinuturing ang sarili bilang “di-politikal.” Ang pagtatakwil sa politika ang politika nito mismo. Para naman kay Lumbera, maaaring maging produktibo ang panunuring Filipino kung gagamitin ang kanyang konsepto ng “datíng.” Dahil maiksing paliwanag pa lamang ang ibinigay ni Lumbera sa datíng, minabuti sa papel na ito na magbigay ng elaborasyon sa konsepto sa mismong paggamit nito sa pagsusuri sa mga gawa ni Atalia. Binibigyang-diin sa papel na ito na kinakailangan ng mambabasa upang magkaroon ng datíng ang isang akda, dahil kung wala ay wala rin itong madaratnan. Bilang popular, bagaman hindi “pop,” na manunulat si Atalia, mainam na lokasyon ang mga panulat niya para himayin ang konsepto ng dating. Gayundin, hinahayaan sa papel na ito na magsalita si Atalia mismo, hango mula sa panayam sa kanya, at gayundin sa komento niyang nakapagloob sa kanyang mga malikhang akda.

ABSTRACT

This paper is an analysis of the works of the writer Eros Atalia, mainly of his short-short stories, using the twin perspectives of Bienvenido Lumbera and Rolando Tolentino. For Tolentino, all writing is political, even those, and especially those, works that consider themselves “non-political.” The disavowal of politics is itself its politics. For Lumbera, the Philippine literary criticism can become more productive using his concept of “datíng.” Because Lumbera’s explanation of “datíng” is only a sketch, this paper aims to provide an elaboration of the concept at the same time that it deploys the concept in analysing Atalia’s works. This paper emphasizes the need for readers and its importance in order for a work to have “datíng,” because without readers, the work and its meaning will be of no value. Because Atalia is a popular, though not a “pop,” writer, his works provide a perfect proving ground to explicate the concept of “datíng.” In addition, the paper lets Atalia speak for himself, via an interview, as well as the numerous comments included in his creative works.

KEYWORDS: Eros Atalia, datíng, pulitikal na kritisismo (political criticism), popular na panitikan (popular literature), dagli

Published
2019-07-28
Section
Articles