Ang Diliman Gender Office sa Pagsusulong ng Hustisyang Pangkasarian at Makataong Karapatan: Panimulang Paglalagom ng 15 Taong Paglilingkod

  • Nancy Kimuell-Gabriel University of the Philippines
  • Ma. Stephanie Joy A. Andaya University of the Philippines
  • Kristel May Gomez-Magdaraog University of the Phlippines
  • Prescilla D. Tulipat University of the Philippines

Abstract

ABSTRAK


Mayamang bukal ang 15 taong karanasan ng Diliman Gender Office (DGO) sa praktika ng pagtataguyod ng karapatang pangkasarian. Mula sa katayuan nito bilang komite hanggang sa nagsasariling opisina, itinuturing na aral ang mga karanasan at sinisikap na harapin ang mga hamon sa iba’t ibang serbisyong handog ng opisina. Itinataguyod ang DGO bilang sentrong tagapagpadaloy ng usaping kasarian sa gawaing pagtuturo, pananaliksik, administrasyon, at serbisyong pampubliko sa UP Diliman. Itinalaga itong tagapagpatupad ng bisyon ng Unibersidad para sa isang kampus na yumayakap sa pagkakapantay-pantay at hustisya, malaya sa diskriminasyon, at ligtas sa lahat ng anyo ng pang-aabuso at karahasan. Ang papel na ito’y panimulang pagtatangkang lagumin ang 15 taong pagsasagawa ng mga tungkulin nito at paglalatag ng mga aral at bagong hamong hinaharap ng DGO ngayong 2018. Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga accomplishment report at pakikipanayam sa mga dating tagapamuno ng DGO, inilalatag ng papel na ito ang simulain, mga naisagawa, at naging pag-unlad ng opisina tungo sa kasalukuyan nitong pagganap ng kanyang mga tungkulin.


The UP DGO has a rich history of advancing gender rights. The experiences it went through from the time of its establishment as a committee of the UCWS up to the time it was made an independent office serve as lessons in facing the challenges that accompany the services it offers. The DGO is tasked as the primary implementor of gender mainstreaming in the fields of research, teaching, administration, and public service in the University. It was designated as the office in charge of realizing UP Diliman's vision of a campus that embraces equality and justice, and is free from discrimination, violence and abuse. This paper is a preliminary attempt at summing up the fifteen years of DGO vis-a-vis its roles and functions while narrating the lessons learned as well as the challenges it will face in the coming years. Through past accomplishment reports and interviews with previous coordinators, this paper recounts the office's faithful performance of its beginning up to the present.


Mga susing salita: Diliman Gender Office, DGO Report, gender and development, gender mainstreaming, gawaing pangkasarian, ulat-pagtatasa ng DGO

Published
2019-02-03
Section
Ikalawang Bahagi