“Manong, hindi lang kami puro titi”: Ilang Tala sa mga Mananaysay Tungkol sa Karanasang Bakla sa Panitikang Filipino at Ingles
Abstract
Itinatala sa sanaysay ang mahabang tradisyon ng pagsulat o pagsasatinig ng mga personal na alaala ng kabaklaan sa ilang mga nakalap na tekstong pampanitikan, etnograpiko, at awtografikal. Kung papansinin, karamihan sa mga naisulat ay nasa wikang Ingles. Kalaunan na lamang higit na dumami ang naratibo ng karanasang bakla sa Filipino nang mas naging demokratisado noong dekada nobenta ang pagsulat ng alaala lalo na sa pagdami ng blogs o sites na maaaring maging lunan ng alaala. Inilalahad at ipinupunto ang relasyon ng mundo at sarili sa mga personal na karanasan ng isang bakla. Ang personal na karanasan ay lunan din ng malalaking kontradiksyon sa lawas ng tunggalian. Mula rito’y maaaring paunlarin ang politika at pag-aaral ng tekstong pampanitikang queer o bakla lalo na sa mga karanasang hindi naririnig o nasasabi samantalang naikukubli lamang sa silid ng kani-kanilang mga tahanan. May malaking potensyal ang pag-akda ng mga ‘di-kathang bakla sa pagbabago ng pagturing sa mga bakla. Kapuna-puna ang kakulangan sa mga karanasan tungkol sa kabataan, tinedyer, at young adult na mga bakla. Inililista rito ang isang panimulang pagmamapa sa tradisyon ng pagtatala ng gunitâng bakla sa mga mananaysay ng Filipino at Ingles, ang pinagmumulang kapookan para sa mga manunulat na nagsisimulang umakda ng kanilang personal na kasaysayan ng pagiging isang bakla. Nagsimula ang kronolohiyang ito kay Jose Garcia Villa na itinuturing na unang Pilipinong manunulat ng karanasang bakla sapagkat kahit nasa anyong kathang-isip ang kanyang pagkatha ay may mala-awtografikal na mga elemento pa rin ang mga ito. Susundan ito ng mga manunulat noong dekada nobenta, mula sa isang Filipino-American, si John Silva, tungo sa mga unang naglathala ng baklang gunitâ; sina Danton Remoto, J. Neil Garcia, Ronald Baytan, ang mga manunulat sa antolohiyang Ladlad; ang mga baklang naglathala ng kanilang mga sariling koleksiyon ng sanaysay sa Filipino tulad nina Louie Cano at J. Iremil Teodoro; hanggang sa mga baklang manunulat na masugid at masikhay na nagsusulat ng kanilang personal na karanasan sa kasalukuyang dekada tulad nina Jack Alvarez, Wilfredo Pascual, at Jerry Grácio, kabilang na ang mga nalalathala sa magasin tulad ng TEAM. Maaari pang pagaralan at isama sa listahan sa hinaharap ang umuusbong din na rehiyunal na mga panitikang bakla sa anyong ‘di-katha.
This essay maps a vibrant tradition of writing or voicing personal gay experiences culled from literary, ethnographic, and autobiographical texts. Noticeably, most of the texts are written in English. It was only later that narratives about gay experiences flourished in the Filipino language, marked by the increased democratization of writing in the 1990s, especially with the emergence of blogs or sites that can be a space for memory writing. The essay establishes a relationship between the world and the self through personal gay experiences. In the process, the personal experience reveals that it can also become a space of larger contradictions in the realm of the struggle. Through reflective analysis in memoir, sexual politics can be sharpened and, thus, enrich the study of queer or gay literary texts, especially of those experiences unvoiced, unheard, or unsaid while trapped in the closets of their homes. There is a huge potential for gay creative nonfiction to change and break stereotypes of gay identity. There is also a lack of writing that foregrounds gay narratives of youth, teenagers, and young adults. The paper provides a preliminary list of the gay tradition in memory writing of essayists in Filipino and English - the terrain that can be a source for writers who are beginning to craft their personal gay histories. This chronology begins with Jose Garcia Villa, who is considered the first Filipino writer of gay experience and whose fiction displays elements of an autobiographical narrative; the writers from the 1990s, such as Filipino-American author John Silva, and those who established gay memory writing, such as Danton Remoto, J. Neil Garcia, Ronald Baytan; the other writers from Ladlad anthology and the gay writers who wrote their personal collection of essays in Filipino, like Louie Cano and J. Iremil Teodoro; the passionate and avid writers of personal essays in the current decade, like Jack Alvarez and Wilfredo Pascual; and, finally, the writers of TEAM magazine. Future studies may still further this research and incorporate into the list the emerging gay creative nonfiction from the regions.
Mga Susing Salita: creative nonfiction, karanasang bakla, panitikang bakla, sanaysay, talang-gunitâ