Imahen ng Kababaihan sa mga Aklat Paglalakbay sa Harap ng Imperyalismong Amerikano: Isang Feministang Pagsusuri
Abstract
Ang papel na ito ay isang pagsusuri kung paano ginamit ng pamahalaang Amerikano ang potograpiya bilang mabisang instrumentong kolonyal sa pagpapalaganap ng ideolohiyang pangkasarian tungkol sa kababaihan sa Pilipinas sa harap ng imperyalismong Amerikano. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa potograpiyang kolonyal, partikular sa mga akda sa paglalakbay, hinamon ng pag-aaral na ito ang pagiging obhetibo ng potograpiya, at sa halip ay sinipat ang gamit nito sa pagtataguyod ng partikular na propaganda at pagsisilbing midyum sa pagbuo ng “katotohanan” tungkol sa kababaihan na pabor sa layuning imperyalista ng mga Amerikano sa Pilipinas. Sa pagsusuri sa depiksiyon ng kababaihang katutubo, Muslim, at Kristiyano sa potograpiyang kolonyal, nagsilbing komentaryo ang mga larawan sa mga gawaing panlipunan, estado, at lebel ng sibilisasyon (o kawalan nito) hindi lamang sa konteksto ng kasarian kundi maging sa iba pang pagkakakilanlan katulad ng lahi, etnisidad, relihiyon, at maging uring panlipunan. Sa pamamagitan ng paggamit nglente ng feminismong-bayan (feminismong mula sa at para sa bayan) bilang talastasang naglalayong magtaguyod ng kagalingan, kapakanan, at karapatan ng kababaihan, sinuri ang mga larawan ng kababaihan sa mga akda sa paglalakbay upang matukoy at malabanan ang mga pagsasagilid, pagsasamantala, at pagsasawalang-kapangyarihan sa kababaihan sa kasaysayan. Bagama’t ang mga larawan ay produkto ng perspektibang kolonyal na tinitigan ang kababaihan mula sa punto de bista ng mga Amerikanong may bitbit na bagaheng kolonyal, lumilitaw na may pagkakaiba sa kanilang representasyon sa mga larawan at aktuwal na papel sa kasaysayan. Sa hulí, ang mga larawan ay mas sumasalamin sa paniniwala ng mga Amerikano tungkol sa kababaihang Pilipino sa halip na tunay na representasyon ng kababaihan sa lipunan. Gayundin, nagsilbing lunsaran ang mga larawan ng pagsusuri sa aktuwal na papel ng kababaihan sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng anotasyon ng imahen ng kababaihan sa potograpiyang kolonyal sa harap ng imperyalismong Amerikano, nailantad ang misrepresentasyon ng kababaihan sa mga larawan at naitanghal ang kanilang mahalagang ambag sa lipunan at kasaysayan.
This paper analyzes how the Americans used photography as an effective instrument in propagating gender ideology with regards to the nature of Filipino women at the height of American imperialism. By analyzing how women are depicted in colonial photography, specifically in travel literature during the American period, this study challenges photography’s claim to objectivity by analyzing its use in propagating particular agenda and serving as a medium in constructing the “truth” about Filipino women that caters to American imperial interests. By analyzing the depiction of indigenous, Muslim, and Christian women in photographs found in American travelogues, this research explores how they offer commentaries on the social activities, status, and level of civilization (or lack of it) not only in the context of gender but also concerning other identities such as race, ethnicity, religion, and social class. Using the framework of feminismong-bayan(people’s feminism—feminism by the people and for the people) as a discourse that aims to promote the well-being, welfare, and rights of Filipino women, this study analyzes the depiction of women in travel books to identify and counter the marginalization, exploitation, and disenfranchisement of women in history. Although the photographs are products of the colonial perspective where women were seen based on the American travelers’ colonial baggage, it appears that there is a gap between women’s depiction in colonial photography and the actual roles they played in history. In the end, women’s depiction in the travelogues during the American period is more of a validation of the American perception of Filipino women than an actual representation of women’s roles and position in society. It also serves as a takeoff point in analyzing their rightful place in history. By annotating the images of women in these travelogues, their misrepresentation was exposed and their significant roles in history were given due recognition.
Mga Susing Salita: kababaihan, potograpiya, feminismong bayan, imperyalismong Amerikano, aklat paglalakbay