Maginoo Kahit pa Niloko? Pagbibigay-kahulugan ng mga Lalaki sa Pangangaliwa ng Kanilang Karelasyon
Abstract
Dahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na lipunan, kinikilala ng mga Pilipino ang pagiging dominante ng mga lalaki sa iba’t ibang aspekto ng pakikisalamuha, mula sa gobyerno at trabaho hanggang sa pamilya at relasyon. Dahil dito, nakatuon ang mga nakaraang pag-aaral sa naratibo at karanasan ng kalalakihang sila ang may hawak ng kapangyarihan, lalo na sa usapin ng kanilang pangangaliwa—na itinuturing na mas katanggap-tanggap sa lipunan kompara sa pangangaliwa ng mga babae. Gayunpaman, madalas hindi nabibigyang[1]pansin ang mga pangyayaring nakukuwestiyon ang pagiging makapangyarihan ng mga lalaki, gaya ng pagtataksil sa kanila ng karelasyong babae. Nais naming tugunan sa pananaliksik na ito ang kakulangan sa literatura at kaalaman ukol sa pangangaliwa ng mga babae at kung paano binibigyang-kahulugan ng kanilang mga karelasyong lalaki ang karanasang ito. Layon din naming malaman ang kanilang paraan ng pag-igpaw at pagbangon mula sa ganitong mga karanasan. Panghuli, nais naming pagtuunan ng pansin ang naging epekto ng pagtataksil ng kanilang kapareha sa kanilang pananaw sa sari-saring aspekto ng kanilang búhay. Kinapanayam namin ang sampung Pilipinong lalaking naninirahan sa Luzon at nakararanas ng pangangaliwa sa iba’t ibang antas ng kanilang relasyon. Ang bawat panayam ay aming sinuri gámit ang Discourse Analysis upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang naratibo at malaman kung paano sumasalamin ang wikang kanilang ginamit sa kanilang pagtingin at pagbibigay-kahulugan sa kanilang dinanas. Lumabas sa pananaliksik ang sumusunod na mga tema: ang paninisi sa kaparehang babae ngunit hindi sa karibal na lalaki, ang hindi pagbanggit at hindi pagharap sa karibal, at ang pagsasawalang-bahala sa nangyari. Ang lahat ng ito ay umiikot sa konsepto ng kahihiyan. Sa kanilang pananaw, ang pangangaliwa ng kanilang karelasyon ay kabawasan sa kanilang pagkalalaki. Dahil dito, ang kanilang mga aksiyon matapos ang ganitong karanasan ay nakatuon sa pagbuong muli ng kanilang reputasyon o imahen sa lipunan at sa pagbawi sa kanilang dangal at pagkalalaki.
Because the Philippines is a patriarchal society, Filipinos recognize the dominance of men in different aspects of interaction, from education, to work, to politics, and within smaller circles, like their families and other personal relationships. In relation to this, previous studies have focused on the narratives and experiences of men being in dominant positions, like their infidelity in relationships, which is viewed as more acceptable and common in our society in contrast to that of women’s. However, the instances when men’s power and dominance are challenged, like being cheated on by their female partners, have not received much attention in research. Through this study, we aim to fill the gap in the literature on women’s infidelity in romantic relationships and the ways that their male partners make sense of this experience. We also seek to know their different ways of coping and how these men try to move forward from what they experienced. Lastly, we intend to know how being cheated on affected their current life views and the other facets of their life. We interviewed ten Filipino males living in Luzon who experienced being cheated on in various types of romantic relationships. The interviews were analyzed through Discourse Analysis to have a deeper understanding of their narratives and how their use of the language reflected the ways that they view and make sense of what they experienced. The following themes emerged from our analysis: blaming only the woman who cheated but not her lover, non-confrontation and absence of the rival in their narratives, and their indifference to the situation. These themes all revolve around the concept of shame, coming from the notion that being cheated on lessens their masculinity and self-worth. Because of this belief, their actions following this experience are often focused on rebuilding their reputation in the society and recovering their honor and masculinity.
Mga susing salita: pagkalalaki, pangangaliwa, hiya, pagsusuri ng diskurso, romantikong relasyon